2020
Tuwirang Sagot
Agosto 2020


Tuwirang Sagot

Paano ako magtatamo ng mas malalim na patotoo tungkol sa Unang Pangitain ni Propetang Joseph Smith?

First Vision

Paglalarawan ni Dan Burr

Ngayong taong 2020 ang ika-200 anibersaryo ng Unang Pangitain ni Joseph Smith. Nagmungkahi si Pangulong Russell M. Nelson ng ilang paraan para palalimin ang ating mga patotoo tungkol sa mahalagang kaganapang ito:

  • Muling basahin ang salaysay ni Joseph Smith tungkol sa Unang Pangitain (tingnan sa Joseph Smith—Kasaysayan 1:1–26).

  • Pagnilayan ang mga tanong na tulad ng, “Paano maiiba ang buhay ko kung biglang mawala ang kaalamang natamo ko mula sa Aklat ni Mormon?” o “Paano nakagawa ng kaibhan sa akin at sa aking mga mahal sa buhay ang mga kaganapang sumunod sa Unang Pangitain?” (tingnan sa “Pangwakas na Pananalita,” pangkalahatang kumperensya ng Oktubre 2019).

  • Bukod pa rito, maaaring gusto mong alamin ang iba pa tungkol sa Unang Pangitain sa pagbabasa tungkol sa iba’t ibang bersyon ng ikinuwento ni Joseph Smith sa mga tao (tingnan sa “First Vision AccountsFirst Vision AccountsFirst Vision Accounts,” Gospel Topics, topics.ChurchofJesusChrist.org).

  • Pag-aralan ang bagong proklamasyon tungkol sa Pagpapanumbalik at hayaang maisulat sa inyong puso ang mensahe nito (tingnan sa Russell M. Nelson, “Pakinggan Siya,” Liahona, Mayo 2020, 91–92).

  • Pag-aralan ang mga mensahe mula sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2020, na gumunita sa pagdiriwang ng ika-200 anibersaryo ng Unang Pangitain.

  • Pagkatapos mong mag-aral at magnilay, mahalagang manalangin sa Ama sa Langit. Pasalamatan Siya sa pagtawag kay Propetang Joseph Smith at sa dakilang liwanag at kaalamang dumating sa atin dahil dito. Mapagpakumbabang hilingin sa Kanya na palalimin ang iyong patotoo tungkol sa Unang Pangitain. At itanong sa Kanya kung mayroon kang magagawa na lalong magpapalalim sa patotoong iyon. Sasagutin ka Niya sa pamamagitan ng Kanyang Espiritu at bibigyan ka Niya ng personal na payo.