Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon
Saan ka nakatutok?
Agosto 3–9
Magkaiba ang tinutukan nina Kapitan Moroni at Amalikeo sa kanilang buhay. Habang “si Amalikeo ay … [nangangalap] ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pandaraya at panlilinlang, si Moroni … ay inihahanda ang mga pag-iisip ng mga tao na maging matapat sa Panginoon nilang Diyos” (Alma 48:7).
Ano ang matututuhan natin sa mga pagkakaiba sa pagitan nina Moroni at Amalikeo?
Si Moroni:
-
“Hinirang ng mga punong hukom at ng tinig ng mga tao” (Alma 46:34).
-
Ipinaalam ang kanyang mga paniniwala “nang may malakas na tinig” at inanyayahan ang iba na gumawa ng mabuti (tingnan sa Alma 46:19–20). Nag-umapaw ang puso “sa pagpapasalamat sa kanyang Diyos” (Alma 48:12).
-
Sumumpa na ipagtatanggol ang kanyang mga tao, karapatan, bansa, at relihiyon ngunit hindi nagagalak sa pagpapadanak ng dugo (tingnan sa Alma 48:13, 16).
-
Nakasumpong ng kagalakan sa kalayaan (tingnan sa Alma 48:11), at nagalak ang kanyang puso sa “pangangalaga ng kanyang mga tao” (Alma 48:16).
Si Amalikeo:
-
Naghangad na agawan ng korona ang hari ng mga Lamanita at siya ang maghari (tingnan sa Alma 47:8).
-
Isang “napakatusong tao sa paggawa ng kasamaan” at lihim na “bumuo ng [kanyang] plano sa kanyang puso” (Alma 47:4).
Isinumpa rin niya ang Diyos (tingnan sa Alma 49:27).
-
Pinukaw ang mga Lamanita na magalit upang magsanhi ng digmaan at sumumpa na iinumin ang dugo ni Moroni (tingnan sa Alma 47:1; 49:27).
-
Nakipaglaban upang ipailalim ang ibang tao sa pagkaalipin (tingnan sa Alma 49:26) at “hindi niya pinahahalagahan ang dugo ng kanyang mga tao” (Alma 49:10).