2020
Lumalaki nang May Mabubuting Mithiin
Agosto 2020


Lumalaki nang May Mabubuting Mithiin

Ginagamit ng mga bata sa buong mundo ang Gabay na Aklat ng mga Bata para subukan ang mga bagong bagay at lumaki na katulad ni Jesus noon!

Growing with Good Goals

Si Jessica B., edad 10, ay naninirahan sa Greater Accra, Ghana. Nagtakda siya ng isang mithiin na magkaroon ng mga bagong kaibigan at ibahagi ang ebanghelyo sa kanila. Naglalagay siya ng isang kopya ng Kaibigan sa kanyang school bag at binabasa ang magasin sa paaralan. Ibinabahagi niya ito sa kanyang mga kaklase at kinakausap sila tungkol sa ebanghelyo. “Pinasasaya ako nito,” sabi ni Jessica.

Si Peter G., edad 9, mula sa Ohio, USA, ay hirap na magbasa. Kailangan niyang makapasa sa isang mahalagang reading test para makasulong sa susunod na grado sa paaralan. Kaya nagtakda siya ng isang mithiin na magbasa sila ng kanyang ina at mga kapatid araw-araw sa loob ng 20 minuto. “Hiniling ko sa Ama sa Langit na tulungan ako,” sabi ni Peter. Kalaunan, nang kinailangan na niyang kunin ang test, nakapasa siya!

Si Danielle P., edad 8, mula sa Cebu, Philippines, ay gustong magbigay ng pagkain sa mga taong walang tirahan. “Gusto ko silang pakainin para maging masaya sila at matulog nang busog,” sabi niya. Kapag may sobrang pagkain ang kanyang pamilya mula sa kanilang negosyo, nag-iikot sila at ibinibigay ito sa mga taong nagugutom.

Si Prophet M., edad 12, ay naninirahan sa Greater Accra, Ghana. Pagkatapos matutong tumugtog ng piyano, nagtakda siya ng isang mithiin na turuan ding tumugtog ang iba! Inanyayahan niya ang mga kakilala niya na mag-aral ng pagtugtog ng piyano na itinuturo niya at ng kanyang mga kaibigan. “Ngayon mahigit 50 estudyante ang tinuturuan naming tumugtog ng piyano,” sabi ni Prophet. Walo sa mga estudyanteng iyon ang nabinyagan!