Pagtuturo Kung Paano Maging Seksuwal na Dalisay at Handa
Bilang propesor sa Brigham Young University, nagsaliksik at nagturo ako tungkol sa pagiging magulang sa nakalipas na 15 taon. Kapag kausap ko ang mga magulang, ang isa sa mga pinaka-karaniwang tanong nila ay kung kailan at paano kakausapin ang mga bata tungkol sa seksuwalidad. Kapag kausap ko ang mga estudyante sa kolehiyo, madalas kong marinig kung gaano kalaki ang kanilang takot o kawalan ng katiyakan tungkol sa seksuwalidad o kung gaano kakaunti ang kanilang nalalaman at nauunawaan.
Patuloy tayong nakakarinig mula sa mga pinuno ng Simbahan at sa magagandang bagong resources ng Simbahan kung paano makakapag-usap nang mas matino ang mga magulang at kabataan tungkol sa seksuwal na intimasiya para magkaroon ng positibo at tumpak na mga pananaw ang mga kabataan tungkol sa seksuwalidad at sa batas ng kalinisang-puri. Sinabi na ni Pangulong M. Russell Ballard, “Maging positibo tungkol sa kagandahan ng pisikal na intimasiya kapag ginawa ito ayon sa itinakda ng Panginoon, pati na ang mga tipan sa templo at katapatan sa kasal na walang-hanggan” (“Mga Mag-ama: Isang Kalugud-lugod na Ugnayan,” Liahona, Nob. 2009, 49).
-
Kasama ang co-author na si Meg Jankovich, ibabahagi namin sa mga magulang ang ilang ideya kung paano, kailan, at bakit kakausapin ang kanilang mga anak tungkol sa seksuwalidad (tingnan sa pahina 18).
-
Tinalakay nina Elder at Sister Renlund ang kahalagahan ng pagsunod sa batas ng kalinisang-puri (tingnan sa pahina 12).
-
Tinatalakay ng mga artikulo para sa mga young adult kung paano magkaroon ng positibong pananaw tungkol sa seksuwalidad at kung paano tayo pinagpapala ng batas ng kalinisang-puri (tingnan sa pahina 42).
-
Makakakita ang mga tinedyer ng ilang mungkahi para sa matagumpay na pag-uusap ng mga magulang at tinedyer tungkol sa seksuwalidad sa pahina 52.
Dalangin ko, sa pamamagitan ng mga artikulong ito, na hangarin ng mga kabataan at magulang na maging bukas sa pakikipag-usap sa isa’t isa at mas mapalapit sa Panginoon habang nilalabanan nila ang maling impormasyon na inihahatid sa mundo ngayon tungkol sa seksuwal na intimasiya at sa halip ay pagnilayan ang kapangyarihan ng pagiging kapwa seksuwal na dalisay at handa.
Tapat na sumasainyo,
Laura M. Padilla Walker, PhD