Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon
Paano naging kapwa makatarungan at maawain ang Diyos?
Hulyo 27–Agosto 2
Parang salungat ang katarungan at awa sa isa’t isa, pero magkatuwang ang mga ito sa plano ng Diyos.
Katarungan:
-
Lahat ay mabubuhay na mag-uli at hahatulan ayon sa kanilang mga gawa at hangarin (tingnan sa Alma 41:2–3).
-
Binigyan na tayo ng Diyos ng mga batas, at lubos Niyang sinusunod ang mga ito (tingnan sa Alma 42:22).
-
Hindi tayo pinipilit na magsisi, ngunit haharapin natin ang mga bunga ng ating mga gawa kung hindi tayo magsisisi (tingnan sa Alma 42:27).
Awa:
-
Ang pagkabuhay na mag-uli ay kapwa makatarungan at maawain (tingnan sa 2 Nephi 9:8–15).
-
Pinagkakalooban tayo ng Diyos ng pagsisisi at kapatawaran sa pamamagitan ni Jesucristo at ng Kanyang Pagbabayad-sala (tingnan sa Alma 42:22–23).
-
Maaari nating piliing lumapit kay Cristo upang matubos (tingnan sa Alma 42:27).
Si Jesucristo ang “magbabayad-sala para sa mga kasalanan ng sanlibutan, upang maisakatuparan ang plano ng awa, upang tugunan ang hinihingi ng katarungan, at nang sa gayon, ang Diyos ay maging isang ganap, makatarungang Diyos, at isa ring maawaing Diyos” (Alma 42:15).