2020
Siya ang Daan
Agosto 2020


Siya ang Daan

Ang buhay, halimbawa, at sakripisyo ni Jesucristo ay mahalaga sa ating kaligtasan. Sa pagsunod sa Kanya, tayo ay maaaring maging katulad ng ating Ama sa Langit at makababalik sa Kanyang piling.

Manunubos

Iniligtas ni Jesucrito ang bawat isa sa atin mula sa kamatayan at kasalanan. Kusa Siyang nagdusa para sa ating mga kasalanan sa Getsemani at sa Kalbaryo. Matapos mamatay sa krus, Siya ay nabuhay na mag-uli. Dinaig ng Kanyang Pagbabayad-sala kapwa ang espirituwal at pisikal na kamatayan. Sa pamamagitan ng Kanyang Pagbabayad-sala, tinutubos ni Jesus ang lahat ng naniniwala at “may bagbag na puso at nagsisising espiritu” (2 Nephi 2:7).

Tingnan din sa Isaias 26:19; 2 Nephi 9:5–7, 10–12; Moises 5:14–15.

Hukom

Dahil sa Kanyang Pagbabayad-sala, lubos tayong nauunawaan ni Jesucristo at magsisilbi Siyang hukom natin. “Sapagka’t tayong lahat ay kinakailangang mahayag sa harapan ng hukuman ni Cristo” (II Mga Taga Corinto 5:10). Hahatulan tayo batay sa mga ginawa natin at sa kinahinatnan natin.

Tingnan din sa Juan 5:22; Apocalipsis 22:11–12; 2 Nephi 9:15–16.

Tagapamagitan

Ang tagapamagitan ay isang tao na kumakatawan sa iba sa oras ng paglilitis. Si Jesucristo ang ating Tagapamagitan. Sinuportahan Niya tayo mula sa simula at magsusumamo para sa atin sa harapan ng Ama. Si Jesus ang tutugon sa “mga hinihingi ng katarungan” (Mosias 15:9) para sa lahat ng nagsisisi at naniniwala sa Kanya. Dahil si Jesus ang tagapamagitan sa atin at sa Diyos, may pagkakataon tayong matanggap ang buhay na walang-hanggan.

Tingnan din sa I Kay Timoteo 2:5; Sa Mga Hebreo 9:15; I Ni Juan 2:1; Doktrina at mga Tipan 45:3–5; Moises 7:39.