2020
Paano Maitatatag ng mga Kabataan ang Kaharian ng Diyos?
Agosto 2020


Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin: Aklat ni Mormon

Paano maitatatag ng mga kabataan ang kaharian ng Diyos?

Alma 53–63

Agosto 10–16

How can youth build up the kingdom of God

Si Helaman ay nabigyang-inspirasyon ng malakas na pananampalataya ng kanyang mga anak na kabataan. Isipin kung paano nagbigay sa kanila ng espirituwal na proteksyon ang kanilang mga ikinilos (tingnan Alma 57:25–27) at kung paano kayo matutulungan ng pagsunod sa kanilang halimbawa na maitatag ang kaharian ng Diyos.

Piliin Kung Sino ang Susundin

Pinili ng mga kabataang ito ang kanilang pinuno—ang propetang si Helaman (tingnan sa Alma 53:19). Paano ninyo mapipili ang propeta bilang inyong pinuno?

Maging Tapat sa Lahat ng Oras

Ang mga kabataang ito ay “matatapat sa lahat ng panahon sa anumang bagay na ipinagkakatiwala sa kanila” (Alma 53:20). Paano kayo magiging mas tapat sa inyong mga responsibilidad?

Sumampalataya

Kakaunti ang mga kabataang ito at kakaunti ang kanilang karanasan sa pakikipagdigma. Gayon pa man, sumampalataya sila: “Kasama natin ang ating Diyos, at hindi niya pahihintulutang bumagsak tayo; … halina’t tayo ay humayo” (Alma 56:46). Paano kayo maaaring “humayo” nang may pananampalataya?

Magtiwala sa mga Turo ng Mabubuting Magulang

Ang mga kabataang ito ay “tinuruan ng kanilang mga ina, na kung hindi sila mag-aalinlangan, sila ay ililigtas ng Diyos” (Alma 56:47). Paano rin ninyo matuturuan ang inyong mga anak na manampalataya?