Isang Matibay na Saligan
Ang awtor ay naninirahan sa Utah, USA.
Itinuro ni Helaman na kailangan nating itayo ang ating saligan kay Jesucristo (tingnan sa Helaman 5:12). Nangangahulugan iyan ng paggawa ng mga bagay na mas maglalapit sa atin sa Kanya. Kapag ginawa natin iyan, makakayanan natin ang mahihirap na bagay sa buhay.
-
Gupitin ang mga bato sa pahinang ito.
-
Pumili ng isang bato at basahin ang talata ng banal na kasulatan na nakasulat dito. Paano ka pinalalakas at inilalapit kay Cristo ng paggawa ng bagay na iyon?
-
Ilagay ang bato sa ilalim ng templo upang magtayo ng matibay na saligan. Patuloy na maglaro hanggang sa mailagay ang lahat ng bato sa lugar.