Mahal naming mga Magulang,
Tinatalakay sa magasin sa buwang ito ang mga taong gumawa ng mahihirap na bagay. Lumayo si Camille sa masamang media, kahit hindi sang-ayon ang kaibigan niya (pahina K8). Pinrotektahan ng mga kabataang mandirigma ang kanilang mga pamilya, kahit nakakatakot (pahina K20). Tutulungan din tayo ng Diyos na gumawa ng mahihirap na bagay. Tuwing may nababasa ang inyong mga anak tungkol sa katapangan ng isang tao, maaari silang magdrowing ng isang bituin sa pahina. At tandaan na mahal tayo ng Diyos!
Maging matapang,
Ang Kaibigan