Mula sa Unang Panguluhan
Kaligayahan at Pagsunod
Hango sa “Harapin ang Kinabukasan nang may Pananampalataya,” Liahona, Mayo 2011, 34–36.
Ikaw ay anak ng Diyos. Binibigyan tayo ng Diyos ng mga kautusan para pagpalain tayo at dulutan ng galak. Kung minsan pinipili ng mga tao kung aling mga utos ang susundin nila at kung alin ang hindi. Ang pagsisikap na sundin ang lahat ng utos ng Diyos ay:
Bibiyayaan ka ng liwanag at galak.
Tutulungan kang lumaya sa nakapipinsalang mga gawi.
Poprotektahan ang iyong katawan.
Poprotektahan ang iyong espiritu.
Tandaan, laging nariyan ang Diyos at ang Kanyang mga anghel para tulungan ka.
Ang Ating mga Kalasag ng Ebanghelyo
Binigyan ni Kapitan Moroni ng mga kalasag ang mga Nephita para mapanatili silang ligtas. Sa bawat kalasag, isulat ang isang pamantayan ng ebanghelyo mula sa listahan sa ibaba na makakatulong sa iyo na manatiling ligtas at matatag.
-
Makinig sa Espiritu Santo.
-
Magsisi kapag nakakagawa ka ng pagkakamali.
-
Huwag magmura o gumamit ng magagaspang na salita.
-
Panatilihing banal ang araw ng Sabbath.
-
Makinig sa magandang musika.
-
Manood ng mabubuting bagay.
-
Manamit nang disente.
-
Maging mabait sa mga tao.
-
Maging matapat.
-
Gamitin nang may pagpipitagan ang mga pangalan ng Ama sa Langit at ni Jesucristo.