2022
Kuala Lumpur, Malaysia
Marso 2022


“Kuala Lumpur, Malaysia,” Liahona, Mar. 2022.

Narito ang Simbahan

Kuala Lumpur, Malaysia

Larawan
world map with Malaysia highlighted
Larawan
Kuala Lumpur

Larawang kuha mula sa Adobe Stock

Ang kalangitan ng kabiserang lungsod na ito ay pinangingibabawan ng pinakamataas na kambal na gusali sa buong mundo. Opisyal na kinilala ng pamahalaan ng Malaysia Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw noong 1977. Ngayon sa bansang ito ang Simbahan ay may:

  • 10,900 miyembro (humigit-kumulang)

  • 5 district, 31 kongregasyon

  • 8 family history center

Ang Musika ay Nag-aanyaya sa Espiritu

Sa isang lugar sa labas ng lungsod ng Kuala Lumpur, sama-samang kinanta ni Brian Chan, ng kanyang asawang si Sukanya Choysrakoo, at ng kanilang mga anak na lalaki at babae ang isang awiting pambata. “Ang musika ay mahalagang bahagi ng pagsamba,” sabi ni Sukanya. “Inaanyayahan nito ang Espiritu na mapasaatin.”

Larawan
pamilyang sama-samang kumakanta

Kanan: larawang kuha ni Clayton Chan

Print