“Mga pagkakatulad ni Jose ng Egipto at ni Jesucristo,” Liahona, Mar. 2022.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Mga Pagkakatulad ni Jose ng Egipto at ni Jesucristo
Ang Lumang Tipan ay naglalaman ng maraming propesiya, kuwento, at simbolo na naghahayag ng buhay at misyon ng Tagapagligtas na si Jesucristo. Isa sa mga kuwentong ito ay ang tungkol kay Jose ng Egipto.
Si Jose ng Egipto |
Jesucristo |
Si Jose ay isang pastol (tingnan sa Genesis 37:2). |
Isa sa mga pangalan ni Cristo ay “ang mabuting pastol” (Juan 10:11). |
Ipinagbili si Jose bilang isang alipin sa Egipto (tingnan sa Genesis 37:26–28). |
Si Jesus ay ipinagkanulo sa 30 piraso ng pilak—ang halaga ng isang alipin (tingnan sa Exodo 21:32; Mateo 26:15). |
Hindi nakilala si Jose ng kanyang mga kapatid nang pumunta ang mga ito sa Egipto upang bumili ng pagkain (tingnan sa Genesis 42:7–8). |
Hindi kinilala si Cristo ng Kanyang mga tao bilang Tagapagligtas (tingnan sa Lucas 4:22, 28–29; Juan 1:10). |
Inihayag ni Jose ang kanyang sarili sa kanyang mga kapatid nang dumating sila upang makipag-usap sa kanya sa ikalawang pagkakataon (tingnan sa Genesis 45:1–5). |
Ihahayag si Cristo sa Israel sa Kanyang Ikalawang Pagparito (tingnan sa Mateo 24:30–31; Doktrina at mga Tipan 88:104). |
Sa pagsunod sa patnubay ng Diyos, may sapat na tinapay si Jose upang iligtas ang Egipto mula sa taggutom (tingnan sa Genesis 47:13–19). |
Si Jesucristo “ang tinapay ng buhay” (Juan 6:35; tingnan din sa talata 51). |