2022
Paglilingkod sa mga Calling sa Simbahan
Marso 2022


“Paglilingkod sa mga Calling sa Simbahan,” Liahona, Mar. 2022.

Mga Pangunahing Aral ng Ebanghelyo

Paglilingkod sa mga Tungkulin sa Simbahan

Hinihiling ng mga lider ng Simbahan sa mga miyembro na maglingkod sa partikular na mga takdang-gawain na tinatawag na “mga calling.” Ang mga calling ay nagbibigay ng mga pagkakataon sa mga miyembro na paglingkuran ang iba at mas mapalapit sa Diyos.

Larawan
lalaking naka-wheelchair na nagtuturo sa isang klase sa Simbahan

Larawang kuha ni David Bowen Newton

Kapag naglilingkod tayo sa ating mga calling, tumutulong tayong isakatuparan ang gawain ng Diyos. Tinuturuan natin ang iba tungkol sa Ama sa Langit at kay Jesucristo at tinutulungan silang mas mapalapit sa Kanila. Tumatanggap din tayo ng mga pagpapala kapag tapat tayong naglilingkod.

Pagtanggap ng mga Calling

Larawan
binatilyong nakatayo sa harap ng isang kongregasyon ng Simbahan

Ang mga naglilingkod sa Simbahan ay tinawag ng Diyos. Ipinagdarasal ng mga lider ng Simbahan na magkaroon ng inspirasyon na malaman kung sino ang hihilinging maglingkod sa bawat calling. Pagkatapos ay hinihiling ng isang lider sa isang miyembro na maglingkod at ipinaliliwanag ang mga tungkulin ng calling. Para sa karamihan ng mga calling, sinasang-ayunan ang mga miyembro sa isang miting ng Simbahan. Ang mga miyembro ng ward o branch ay nagbibigay ng boto ng pagsang-ayon. Nangangahulugan ito na handa silang suportahan ang taong tinawag. Pagkatapos ay bibigyan ang miyembro ng basbas ng isang priesthood leader. Ang tawag dito ay pagse-set apart. Ang miyembro ay bibigyan ng awtoridad na kumilos sa calling at iba pang mga basbas para tulungan siyang maglingkod.

Mga Bishop

Ang bishop ang lider ng ward. (Sa isang branch, ang branch president ay katulad ng isang bishop.) Ang stake president ang nagrerekomenda ng isang karapat-dapat na priesthood holder na tatawagin bilang bishop. Ang Unang Panguluhan ang nag-aapruba sa calling. Pagkatapos ay sinasang-ayunan ang bishop at isine-set apart na maglingkod. Tumatanggap din siya ng mga susi ng priesthood, na ibig sabihin ay may awtoridad siyang pamahalaan ang ward. Bilang bishop, naglilingkod siya at namumuno sa lahat ng miyembro ng ward.

Mga Presidency

Ang mga korum ng priesthood at mga organisasyon ng Relief Society, Young Women, Primary, at Sunday School ay pinamumunuan ng mga presidency, na karaniwan ay binubuo ng isang president at dalawang tagapayo o counselor. Ang mga elders quorum presidency ay tinatawag at isine-set apart ng stake president. Hinihilingan ng bishopric ang mga miyembro na maglingkod sa iba pang mga presidency sa ward at isine-set apart sila. Lahat ng lider ay naglilingkod sa mga miyembro sa kanilang mga korum o organisasyon. Naglilingkod sila sa mga pangangailangan ng mga miyembro at tinutulungan silang madama ang pagmamahal ng Diyos.

Larawan
babaeng nagdadala ng pagkain sa isang ina na may kargang anak

Iba pang mga Calling

Kabilang sa iba pang mga calling sa Simbahan ang pagtuturo, pagtulong sa musika, pag-iingat ng mga talaan, pagpaplano ng mga aktibidad para sa mga kabataan o sa mga bata, at paglilingkod sa iba pang mga paraan. Bawat calling sa Simbahan ay mahalaga at nagbibigay ng pagkakataon sa mga miyembro na maglingkod sa iba at sa Diyos. Habang nagtutulungan tayong lahat na gampanan ang ating mga calling, pinalalakas natin ang iba at tinutulungan nating lumago ang Simbahan.

Print