2022
Nuku’alofa, Tonga
Setyembre 2022


“Nuku’alofa, Tonga,” Liahona, Set. 2022.

Narito ang Simbahan

Nuku’alofa, Tonga

mapa na may bilog sa paligid ng Tonga
aerial view ng Nuku‘alofa Tonga Temple

Larawang kuha ni Neil Crisp, 2021

Ang templo ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Nuku’alofa ay matatagpuan malapit sa Liahona High School na pag-aari ng Simbahan. Ang mga miyembro ng Simbahan ay bumubuo ng mga 63 porsiyento ng populasyon sa Tonga, kung saan ang Simbahan ay may

  • 66,400 na mga miyembro (humigit-kumulang)

  • 21 stake, 2 district, 173 ward at branch, 2 mission

  • 21 family history center, 1 templong ginagamit at 1 na kasalukuyang itinatayo

Muli Kaming Magkakasama

Madalas na tinitipon ni Sonasi Langi (pumanaw na) ng Kolonga, Tongatupu, ang mga miyembro ng pamilya para kumanta ng mga himno at maglagay ng mga bulaklak sa mga puntod ng kanyang ama at kapatid na babae. “Balang-araw muli kaming magkakasama,” sabi niya. “Palagay ko kakantahin pa rin namin ang mga awitin namin noon.”

lalaki at kanyang pamilya na kumakanta

Karagdagang Impormasyon tungkol sa Simbahan sa Tonga

ang hari ng Tonga kasama ang mga lider ng Simbahan at iba pa

Malugod na tinanggap ng hari ng Tonga si Pangulong Russell M. Nelson at ang kanyang asawang si Wendy; Si Elder Gerrit W. Gong at ang kanyang asawang si Susan; at ang iba pa sa isang pagbisita sa Tonga noong 2019.

Larawang-kuha ni Jeffrey D. Allred, Deseret News

dalagitang nakangiti

Tulad ng mga kabataang babae sa buong Simbahan, ang dalagitang ito sa Tonga ay nagtatakda ng mga mithiin at nagsisikap na maisakatuparan ang mga ito.

Paglalarawan ng Neiafu Tonga Temple

Makikita sa paglalarawang ito kung ano ang magiging itsura ng Neiafu Tonga Temple, ang pangalawang templo sa Tonga, kapag natapos na ang pagtatayo.

mag-ina na magkasamang nagbabasa

Ang tahanan ay sentro ng pag-aaral ng ebanghelyo sa Tonga, gayundin sa buong Simbahan kapag sinusunod ng mga miyembro ang tawag na “pumarito ka, sumunod ka sa akin” (Lucas 18:22).

pamilyang naglalakad sa dalampasigan

Sa Tonga, makabuluhang paglilibang ng pamilya ang karaniwang paglalakad sa dalampasigan nang magkakasama.

isang mag-asawang nagtatrabaho sa bukid

Ang agrikultura ay mahalaga sa Tonga, at maraming Banal sa mga Huling Araw ang nagtatanim at nag-aani ng pagkain.

dalawang babaeng nagtatawanan habang inihahanda ang mga dahon ng saging sa kusina

Sa Tonga, tulad sa maraming komunidad sa mga isla sa Pasipiko, ang mga dahon ng saging ay kadalasang ginagamit sa paghahanda ng pagkain ng pamilya.

isang pamilyang sama-samang kumakanta

Ang pagkanta ng mga himno ay mahalagang bahagi ng sama-samang pagsamba sa Tonga, tulad din sa buong Simbahan.

isang lalaking tinutulungan ng iba na magsuot ng tradisyonal na kasuotan

Ang tradisyonal na kasuotan ay may mahalagang papel sa lipunan ng mga Tongan.

isang nakangiting binatilyo sa isang aktibidad sa Simbahan

Nasisiyahan ang isang binatilyo na makilala ang iba sa isang aktibidad ng mga kabataan sa meetinghouse sa Tonga.

mag-asawang magkasamang nagbabasa

Ang regular na pag-aaral ng mga banal na kasulatan ay tumutulong sa mga mag-asawa sa Tonga na espirituwal na umunlad.

sasakyan na natabunan ng abo mula sa bulkan

Noong Enero 2022, isang pagputok ng bulkan ang sumalanta sa maraming bahagi ng Tonga.

Larawang kuha mula sa Malau Media, ginamit nang may pahintulot

daugan ng bangka na may mga volunteer at donasyong mga suplay

Ang mga miyembro sa isla ng Tongatapu ay nagbigay ng mga suplay, na ikinarga sa barko upang tulungan ang mga nasa karatig na isla.