2022
Paghahangad ng Espirituwal na Patnubay
Setyembre 2022


“Paghahangad ng Espirituwal na Patnubay,” Liahona, Setyembre 2022.

Para sa mga Magulang

Paghahangad ng Espirituwal na Patnubay

pamilyang nananalangin

Minamahal na mga Magulang,

Sa isyung ito ng magasin, tatlong General Authority ang nagbahagi ng mga turo at personal na karanasan at ng karanasan ng pamilya kung paano hangarin, hanapin, at sundin ang espirituwal na patnubay.

Mga Talakayan tungkol sa Ebanghelyo

Pag-asa sa Ating mga Patotoo

Sa pahina 4, ibinahagi ni Elder Ronald A. Rasband ang isang kuwento mula sa kasaysayan ng kanyang pamilya upang maituro ang alituntunin na hindi tayo pababayaan ng ating Tagapagligtas. Basahin ang kanyang artikulo at talakayin kung paano umasa ang mga naunang Banal sa kanilang mga patotoo tungkol kay Jesucristo at sa plano ng kaligtasan ng Ama sa Langit.

Pagsangguni sa Panginoon

Sa pahina 30, inilarawan ni Elder Patricio M. Giuffra kung paano siya nagpasiyang magmisyon at mag-aral sa kolehiyo, noong tinedyer siya at bagong binyag na miyembro ng Simbahan. Pagkatapos ay ibinahagi niya ang kanyang sagot sa tanong na, Ano ang gagawin mo kapag ang personal na paghahayag ay salungat sa karaniwang opinyon?

Pagtanggap ng Patnubay mula sa Espiritu

Paano tayo mas lubos na makikinabang sa kaloob na Espiritu Santo sa ating buhay? Tinalakay ni Elder José A. Teixeira ang paksang ito sa pahina 40. Basahin ang kanyang artikulo at talakayin kung paano tumanggap ng mas maraming patnubay mula sa Espiritu.

Katuwaan ng Pamilya sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Pagnilayan ang Landas

Mga Kawikaan 3–4

  1. Maglagay ng larawan ng Tagapagligtas sa isang panig ng isang malaking lugar o silid.

  2. Tumayo sa kabilang panig ng silid. Maghalinhinan sa pagpiring sa bawat miyembro ng pamilya, pagpapaikot sa kanila, at pagkatapos ay tingnan kung makakalakad sila papunta sa larawan ni Jesucristo nang walang anumang tulong.

  3. Basahin ang Mga Kawikaan 4:26–27.

Talakayan: Anong uri ng tulong ang ibinigay sa atin sa buhay na ito upang manatili tayo sa landas na patungo kay Jesucristo? Para sa karagdagang talakayan, basahin ang Mga Kawikaan 3:5–6. Ano ang mga kailangan nating gawin para magtiwala sa Panginoon nang buong puso natin?