2022
May Pag-asa!
Setyembre 2022


“May Pag-asa,” Liahona, Set. 2022.

Welcome sa Isyung Ito

May Pag-asa!

mga magulang na nakikipag-usap sa kanilang anak na babae

Anuman ang mga hamong kinakaharap natin, si Jesucristo ang ating pag-asa. Binigyang-diin ni Elder Ronald A. Rasband ng Korum ng Labindalawang Apostol ang tema ng isyu sa buwang ito sa magandang katotohanang iyon na nasa kanyang bagong artikulong, “Pag-asa at Kapanatagan kay Cristo” (pahina 4).

Para sa maraming magulang, ang mensaheng iyon ng pag-asa ay talagang kailangan habang ginagawa nila ang lahat ng kanilang makakaya para mapalaki ang mga anak sa mundong puno ng paghihirap. Itinuro ni Pangulong Russell M. Nelson: “Pinatitindi ng kalaban ang kanyang pag-atake sa pananampalataya at sa atin at sa mga pamilya natin sa napakabilis na paraan. Upang espirituwal na makaligtas, kailangan natin ng mga estratehiya at mga proactive na plano.” (“Pambungad na Mensahe,” Liahona, Nob. 2018, 7). Upang masuportahan ang mga magulang sa sagradong gawaing ito, patuloy na hinahangad ng Simbahan na magbigay ng resources na nauugnay at kapaki-pakinabang.

Sa isyu sa buwang ito, nagbahagi kami ng kapwa ko awtor ng huwaran para sa mga magulang sa pinagsama-samang alituntunin ng ebanghelyo at praktikal na mga estratehiya na makatutulong sa mga magulang na lumikha ng matibay na ugnayan sa kanilang mga anak, pangalagaan ang kanilang pananampalataya, at magkaroon ng pagkakaisa (tingnan sa “Isang Mabisang Huwaran para sa mga Magulang” sa pahina 10).

Magagabayan tayo ng Espiritu Santo tungo sa pag-asa at tulong na kailangan natin. Itinuro ni Elder José A. Teixeira ng Pitumpu kung paano tayo makatatanggap ng mas maraming patnubay sa pamamagitan ng Espiritu Santo sa “Pagpiling Maging Espirituwal ang Isipanl” (pahina 40).

Umaasa kami na ang isyung ito ay nakakatulong sa inyo at sa inyong pamilya na magkaroon ng pag-asa, makadama ng ibayong pagmamahal, at makaranas ng higit na kagalakan.

Tapat na sumasainyo,

Maren Daines, JD

Specialist sa Pandaigdigang Polisiya at Pagbuo ng Programa para sa Pamilya