“Ano ang Itinuturo sa Akin ng mga Isinulat ni Isaias tungkol kay Jesucristo?,” Liahona, Set. 2022.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Ano ang Itinuturo sa Akin ng mga Isinulat ni Isaias tungkol kay Jesucristo?
Isinulat noong mga 2,700 taon na ang nakararaan, ang mga salita ni Isaias ay tila napakahirap o nakalilito sa atin kung minsan. Gayunman, ang pagbabasa mula sa aklat ni Isaias ay isa sa mga pinakamaiinam na paraan para matuto tayo ng marami pang iba tungkol kay Jesucristo. Piniling banggitin ni Nephi ang mga isinulat ni Isaias upang kanyang “lubos [na] mahikayat na maniwala [ang mga Nephita] sa Panginoon nilang Manunubos” (1 Nephi 19:23). Para mas maunawaan si Isaias, subukang ituon ang iyong pag-aaral sa mga turo ni Isaias tungkol sa Tagapagligtas.
Hanapin ang mga sagot sa mga sumusunod na tanong habang pinag-aaralan mo ang mga kabanatang ito:
-
Paano kinakatawan ni Eliakim si Jesucristo? (Tingnan sa Isaias 22:20–25.)
-
Ano ang gagawin ni Cristo para sa atin sa Pagkabuhay na Mag-uli? (Tingnan sa Isaias 25:8.)
-
Paano tinuturuan ni Cristo ang Kanyang mga tao? (Tingnan sa Isaias 28:10.)
-
Nakita na noon pa man ni Isaias ang Panunumbalik ng ebanghelyo ni Jesucristo sa mga huling araw? (Tingnan sa Isaias 29:14.)
-
Ano kaya ang mangyayari kapag muling pumarito si Cristo? (Tingnan sa Isaias 35:10.)
“Paulit-ulit na nagsalita si Isaias tungkol sa nakapagpapagaling at nakapapanatag na impluwensya ng Panginoon. … Ang Kanyang Espiritu ay nagpapagaling; ito ay nagpapadalisay; ito ay nagpapanatag; ito ay nagbibigay ng panibagong buhay sa mga nawalan na ng pag-asa. Ito ay may kapangyarihang baguhin ang lahat ng pangit at masama at walang halaga sa buhay para maging isang bagay na may lubos at maluwalhating karingalan. Siya ay may kapangyarihang baguhin ang mga abo ng mortalidad para maging mga kagandahan ng kawalang-hanggan” (Tad R. Callister, The Infinite Atonement [2000], 206–7).