2022
Ano ang Itinuro ni Isaias tungkol sa Pagtitipon ng Israel?
Setyembre 2022


“Ano ang Itinuro ni Isaias tungkol sa Pagtitipon ng Israel?,” Liahona, Set. 2022.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Isaias 1–12

Ano ang Itinuro ni Isaias tungkol sa Pagtitipon ng Israel?

Larawan
larawan ng Salt Lake Valley

A View of Salt Lake City [Larawan ng Salt Lake City], ni James Taylor Harwood

Gumamit si Isaias ng mga simbolo para ituro ang tungkol sa pagtitipon ng Israel. Isipin ang talatang ito: “Siya’y maglalagay ng sagisag para sa mga bansa, at titipunin niya ang mga ipinatapon mula sa Israel, at titipunin ang mga nangalat ng Juda mula sa apat na sulok ng lupa” (11:12).

Ang sagisag ay isang watawat o pamantayan. Ikinuwento ni Elder Jeffrey R. Holland ng Korum ng Labindalawang Apostol kung bakit gumawa ang mga lider ng Simbahan sa panahon ng mga pioneer, ng “pansamantalang bandila, at ipinahayag na ang lambak ng Great Salt Lake at ang kabundukan sa paligid nito ang ipinropesiyang lugar kung saan ipahahayag ang salita ng Panginoon sa mga huling araw.”1

Anong iba pang mga simbolo at ideya na may kaugnayan sa pagkalat at pagtitipon ng Israel ang makikita mo sa mga kabanata 2, 5, at 11 ng Isaias?

Paano tayo natulungan ng ating makabagong propeta na mas maunawaan ang pagtitipon ng Israel?

Makatutulong na pag-aralan ang sinabi ng mga makabagong propeta tungkol sa mga turo ni Isaias at sa pagtitipon ng Israel. Isiping tingnan ang isa sa mga mensaheng ito sa pangkalahatang kumperensya ni Pangulong Russell M. Nelson at ilista ang mga paraan na makatutulong ka sa pagtitipon ng Israel:

Print