“Ano ang Itinuro ni Isaias tungkol sa Pagiging Lingkod ng Panginoon?,” Liahona, Set. 2022.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Ano ang Itinuro ni Isaias tungkol sa Pagiging Lingkod ng Panginoon?
Madalas na tinutukoy ng Panginoon ang Kanyang mga tagasunod bilang Kanyang mga lingkod o saksi. Ang mga katagang iyon ay karaniwan sa mga banal na kasulatan, at ang aklat ni Isaias ay hindi naiiba. Sa panahon ng Lumang Tipan, at maging sa ngayon, binigyan ng Panginoon ang mga tao ng mga pagkakataong maglingkod sa Kanya at maging saksi Niya.
-
Habang binabasa mo ang mga kabanata 40–49 ng Isaias, hanapin ang mga pagkakataon na binanggit ng Panginoon ang “lingkod” o “saksi.” Sino ang tinutukoy Niya? Hanapin ang mga talatang nagtuturo kung paano ka magiging saksi at lingkod sa Panginoon, tulad ng Isaias 44:2.
-
Pagkatapos, habang binabasa mo ang mga kabanata 41–44, maaari mong isipin kung aling mga talata ang angkop sa iyong tungkulin o ministering. Ano ang ipinagagawa sa iyo ng Panginoon, at paano ka Niya tutulungan?
-
Anong mga oportunidad ang naibigay na sa inyo para maging lingkod o saksi ng Panginoon? Ang mga halimbawa ay maaaring isang tungkulin, misyon, pagtuturo sa iyong pamilya, o iba pang paglilingkod. Maaari mong ilista ang mga karanasang iyon sa iyong journal. Ano ang natutuhan mo mula sa kanila? Paano ka tinulungan ng Panginoon?