“Ano ang Magagawa Natin upang “[Ma]ikiling [Natin] sa Karunungan ang [Ating] Pandinig’?,” Liahona, Set. 2022.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Ano ang Magagawa Natin upang “[Ma]ikiling [Natin] sa Karunungan ang [Ating] Pandinig”?
Sa napakaraming maling impormasyon sa mundo, maaaring mahirap suriin ang lahat ng ito at makahanap ng walang-hanggang katotohanan. Alam ito ng Ama sa Langit, at alam Niya na marami sa Kanyang mga anak ang naghahanap ng mga sagot. Mabuti na lang, marami sa mga sagot sa mahihirap na tanong sa buhay ang matatagpuan sa mga banal na kasulatan, sa mga mensahe sa pangkalahatang kumperensya, o sa pamamagitan ng personal na paghahayag. Hinding-hindi tayo ililigaw ng Ama sa Langit.
Aktibidad
Sa Mga Kawikaan, madalas nating mabasa ang tungkol sa karunungan. Basahin ang mga kabanata 2 at 3 nang mag-isa o kasama ang isang grupo at tukuyin ang mga talatang tumatalakay kung paano tayo naghahangad ng karunungan. Halimbawa, sinasabi sa Mga Kawikaan 1:5, “Upang marinig din ng matalino, at lumago sa kaalaman, at magtamo ang taong may unawa ng kahusayan.”