2023
Elder Robert M. Daines
Mayo 2023


“Elder Robert M. Daines,” Liahona, Mayo 2023.

Elder Robert M. Daines

General Authority Seventy

Si Elder Robert M. Daines ay nagtatrabaho bilang law and business professor sa Stanford University nang tawagin siyang maglingkod bilang early-morning seminary teacher.

Bilang isang Banal sa mga Huling Araw sa buong buhay niya, alam ni Elder Daines ang ebanghelyo, ngunit may nagtulak sa kanya sa calling na ito na pag-aralan ang mga banal na kasulatan sa paraang hindi pa niya nagawa kailanman. Sabi ng asawa niyang si Ruth, madalas siyang matulog nang maaga at gumising nang alas-4:00 n.u. dahil kailangan niya ng tatlong oras para makapaghanda para sa kanyang pang-araw-araw na lesson sa 15 estudyante.

“Ang ilang tao ay may talento; ang ilan ay kailangang magsumigasig,” wika niya. “Nasa kategorya ako ng ‘Mas makakabuti sa iyo ang magsumigasig.’”

Sinabi ni Elder Daines na ilang oras siyang nagbabasa ng mga banal na kasulatan nang masinsinan bawat araw dahil gusto niyang malaman at madama ang pagmamahal ng Tagapagligtas at pagkatapos ay tulungan ang kanyang mga estudyante na gumawa ng gayon ding koneksyon. Ang isang dekadang karanasan niya ay nagkaroon ng malaking epekto sa kanyang pananampalataya at patotoo.

“Pakiramdam ko ay tunay akong nagbalik-loob at nakilala ko si Jesucristo noong seminary teacher ako sa Palo Alto, California,” sabi ni Elder Daines, na sinang-ayunan bilang isang bagong General Authority Seventy sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2023.

Si Robert Merrill Daines ay isinilang sa Bloomington, Indiana, USA, noong Hulyo 28, 1964, kina Robert Henry Daines III at Janet Lundgren Daines. Lumaki siya sa Provo, Utah, at pinakasalan si Ruth Ann Glazier sa Salt Lake Temple noong Disyembre 1988. Mayroon silang limang anak.

Si Elder Daines ay nagtapos sa Brigham Young University bago nagtamo ng degree sa abogasya sa Yale University. Nagtrabaho siya bilang associate para sa Goldman Sachs at pagkatapos ay nagturo sa New York University at Yale. Sa nakalipas na dalawang dekada, nagtrabaho si Elder Daines bilang associate dean at Pritzker Professor ng Law and Business sa Stanford University.

Si Elder Daines ay naglingkod bilang full-time missionary sa Switzerland Zurich Mission. Kabilang sa iba pang mga calling sa Simbahan kung saan siya naglingkod ay stake president, high councilor, bishop, at nursery leader. Naglilingkod siya bilang stake president nang tawagin siya sa tungkulin.