Bumisita sina Pangulong Johnson at Pangulong Cordon sa Africa
Ang mga General President ng mga organisasyon ng Relief Society at Young Women ay nagtungo sa silangan at gitnang Africa noong Marso para makipagkita sa mga Banal sa mga Huling Araw at mga lider ng pamahalaan at para bisitahin ang mga humanitarian site. Sinimulan ni Relief Society General President Camille N. Johnson at Young Women General President Bonnie H. Cordon ang kanilang siyam-na-araw na ministeryo sa Nairobi, Kenya.
Si Pangulong Cordon ay naglakbay patungong Kenya, Uganda, the Democratic Republic of the Congo, at the Republic of the Congo. “Nakausap namin ang mga lider ng mga pamahalaan na may hangaring tulungan ang mga pamilya, at hangang-hanga kami sa mga lider na gustong sundin si Jesucristo,” sabi ni Pangulong Cordon. “Bilang mga lider na may pananampalataya, iisa ang aming mithiing tumulong na mapatatag ang mga pamilya, kaya naging pambihira ito.”
Si Pangulong Johnson ay naglakbay patungong hilagang-silangang Uganda kasama ang UNICEF (dating United Nations International Children’s Emergency Fund, ngayo’y United Nations Children’s Fund) at nakipagpulong sa mga Banal sa mga Huling Araw sa Lubumbashi, the Democratic Republic of the Congo. “Ito ay isang pagsisikap na hindi lamang mga miyembro natin ang tutugon sa mga pangangailangan—ang mga pangangailangan ng tao—ng mga bata sa mundo, at natagpuan namin ang mga iyon. Napakasaya,” sabi ni Pangulong Johnson tungkol sa paglalakbay na kasama ang UNICEF. “Magkasabay na sigla at lungkot ang nadama ko, pero nilisan ko iyon na nakadarama ng pag-asa.”