2023
Ibinalita ng Propeta ang 15 Bagong Templo
Mayo 2023


Ibinalita ng Propeta ang 15 Bagong Templo

Sa pangkalahatang kumperensya ng Abril 2023, ibinalita ni Pangulong Russell M. Nelson ang mga templo sa mga sumusunod na lugar:

  • Retalhuleu, Guatemala

  • Iquitos, Peru

  • Teresina, Brazil

  • Natal, Brazil

  • Tuguegarao City, Philippines

  • Iloilo, Philippines

  • Jakarta, Indonesia

  • Hamburg, Germany

  • Lethbridge, Alberta, Canada

  • San Jose, California, USA

  • Bakersfield, California, USA

  • Springfield, Missouri, USA

  • Charlotte, North Carolina, USA

  • Winchester, Virginia, USA

  • Harrisburg, Pennsylvania, USA

Patuloy ang Pagtatayo ng mga Bagong Templo

Ang mga sumusunod na templo ay inilaan na o muling inilaan simula sa huling pangkalahatang kumperensya noong Oktubre:

  • Ang Hamilton New Zealand Temple ay muling inilaan noong Oktubre 17, 2022.

  • Ang Quito Ecuador Temple ay inilaan noong Nobyembre 20.

  • Ang Belém Brazil Temple ay inilaan noong Nobyembre 20.

  • Ang San Juan Puerto Rico Temple ay inilaan noong Enero 15, 2023.

Ang Richmond Virginia Temple ay ilalan sa Mayo 7.

Nagkaroon ng groundbreaking para sa sumusunod na mga templo: Querétaro Mexico Temple, Managua Nicaragua Temple, Willamette Valley Oregon (USA) Temple, Torreón Mexico Temple, Miraflores Guatemala City Guatemala Temple, Port Vila Vanuatu Temple, at Heber Valley Utah (USA) Temple.

Update tungkol sa Renobasyon ng Temple Square

Natapos kamakailan ang ikatlong taon ng renobasyon ng Salt Lake Temple. Noong 2022, nagawa ang sumusunod na malalaking gawain:

  • Waterproofing at landscaping sa Main Street Plaza.

  • Pag-install ng pinatibay na mga kongkretong biga sa ilalim ng kasalukuyang mga pundasyon ng templo.

  • Pag-install ng waterproofing at mga snow-melting heating conduit sa Church Office Building plaza; sinimulan ang bagong pagpapatag ng mga daanan.

  • Sinimulan ang pagtatayo ng mga pabilyon para sa karanasan ng mga panauhin at ang tatlong karagdagang mas mababang palapag ng templo, na kabibilangan ng dalawang bautismuhan, mga sealing room, mga dressing room, at mga administrative office.