“Ang Paanyaya ng Tagapagligtas na Ibahagi ang Kanyang Liwanag,” Liahona, Hulyo 2023.
Welcome sa Isyung Ito
Ang Paanyaya ng Tagapagligtas na Ibahagi ang Kanyang Liwanag
Bago Siya umakyat sa langit, inanyayahan ng nabuhay na mag-uling Cristo ang Kanyang mga Apostol sa Bagong Tipan na maging saksi Niya “hanggang sa kadulu-duluhang bahagi ng lupa” (Mga Gawa 1:8). Nabigyang-inspirasyon ng responsibilidad na ito, “hindi tumigil [ang mga Apostol] sa pagtuturo at pangangaral na si Jesus ang Cristo” (Mga Gawa 5:42).
Sa kanyang artikulo sa isyung ito, ipinaliwanag ng isang Apostol sa panahong ito na si Elder Quentin L. Cook kung paano natin maibabahagi ang ebanghelyo ng Tagapagligtas sa kabila ng ating mga kakulangan. Isinulat niya, “Kapag ipinamumuhay natin ang ebanghelyo, minamahal at pinaglilingkuran natin ang iba, tumatayo tayo nang matatag sa harap ng tukso at pag-uusig, at nagpapatotoo tayo sa salita at gawa, mailalapit natin ang iba kay Jesucristo” (pahina 4).
Sa paglapit natin mismo sa Tagapagligtas, nangangaral tayo sa pamamagitan ng patotoo at halimbawa. Nasa piling natin Siya, tulad ng ipinaliliwanag ko sa aking artikulo sa isyung ito, kung tutuparin natin ang ating mga tipan at hihingin ang Kanyang payo sa pamamagitan ng mga salita ng mga propeta (tingnan sa pahina 40).
Sa ating pag-aaral ng mga ministeryo ng mga Apostol sa Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin sa buwang ito, pagnilayan natin ang sarili nating tungkulin at tawag na ibahagi ang liwanag ng Tagapagligtas sa mga nasa paligid natin. Matagal nang umakyat si Cristo sa langit, ngunit kapag nakikiusap tayo sa Kanya na “tumuloy sa [atin]” (Lucas 24:29) ngayon, lalakad Siya na kasama natin sa paisa-isang hakbang.
Elder Patricio M. Giuffra
Ng Pitumpu