“Paano Ka Namumuhay ayon sa Doktrina ni Cristo?,” Liahona, Hulyo 2023.
Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Paano Ka Namumuhay ayon sa Doktrina ni Cristo?
Matapos ang pagbuhos ng Espiritu sa araw ng Pentecostes, pinatotohanan ni Pedro at ng iba pang mga Apostol si Cristo at itinuro ang Kanyang doktrina. Ang mga tao ay “nasaktan ang … puso” at nagtanong, “Ano ang dapat naming gawin?” (Mga Gawa 2:37). Inanyayahan sila ni Pedro na magsisi, magpabinyag, at tanggapin ang kaloob na Espiritu Santo (tingnan sa Mga Gawa 2:38). Mga 3,000 katao ang “[masayang] tumanggap ng kanyang salita [at] binautismuhan” (Mga Gawa 2:41).
Ang pagsunod sa doktrina ni Cristo ay mas inilalapit tayo sa Kanya. Isiping pagbulayan kung paano mo ipinamumuhay ang limang aspetong ito ng doktrina:
-
Pananampalataya sa Panginoong Jesucristo: Anong mga gawi at aktibidad ang magpapalakas sa iyong pananampalataya kay Jesucristo?
-
Pagsisisi: Paano mo ginagawang masayang proseso ang pagsisisi?
-
Binyag: Ano ang ginagawa mo para maipamuhay ang iyong tipan sa binyag?
-
Kaloob na Espiritu Santo: Anong mga sitwasyon at aktibidad ang nagbibigay sa iyo ng pinakamainam na access sa mga pahiwatig ng Espiritu?
-
Pagtitiis hanggang wakas: Paano nakatulong sa iyo ang pagtupad sa iyong mga tipan, pag-asa kay Cristo, at paghawak nang mahigpit sa gabay na bakal para matiis ang mahihirap na pagsubok? Tingnan sa Jeremias 17:7; 2 Nephi 31:20; Eter 12:4.