2023
Paano Ako Maniniwala nang Hindi Ko Nakikita?
Hulyo 2023


“Paano Ako Maniniwala nang Hindi Ko Nakikita?,” Liahona, Hulyo 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Juan 20

Paano Ako Maniniwala nang Hindi Ko Nakikita?

si Jesus nang magpakita sa Labindalawa pagkatapos ng Kanyang Pagkabuhay na Mag-uli

Detalye mula sa Christ Appears to the Twelve after the Resurrection [Nagpakita si Cristo sa Labindalawa pagkatapos ng Pagkabuhay na Mag-uli], ni Scott Snow

Ayaw maniwala ng isa sa mga Apostol ni Jesucristo, si Tomas, na nabuhay na mag-uli si Cristo hanggang sa makita niya Siya sa laman (tingnan sa Juan 20:25). Nang sa wakas ay makita ni Tomas ang nabuhay na mag-uling Tagapagligtas, sinabi sa kanya ng Tagapagligtas, “Sapagkat ako’y nakita mo ay sumampalataya ka. Mapapalad ang hindi nakakita, gayunma’y sumasampalataya” (Juan 20:29).

Paano natin masusunod ang paanyaya ni Jesucristo na “huwag kang mag-alinlangan kundi sumampalataya”? (Juan 20:27).

Mga Paraan para Mapalakas ang Pananampalataya at Patotoo

Pag-aralan ang mga banal na kasulatan. “Ang pananampalataya ay nanggagaling sa pakikinig, at ang pakikinig ay sa pamamagitan ng salita ni Cristo” (Roma 10:17).

Ipamuhay ang ebanghelyo. “Kung ang sinuman ay nagnanais gumawa ng kalooban ng Diyos ay makikilala niya kung ang turo ay mula sa Diyos, o kung ako’y nagsasalita mula sa aking sarili” (Juan 7:17).

Maghangad ng paghahayag sa pamamagitan ng Espiritu Santo. “Ang katotohanang pinakamahalaga sa lahat ay napapatunayan lamang sa paghahayag ng Diyos. Ang ating katalinuhan at paggamit ng mga pandama ay hindi sasapat.” (Henry B. Eyring, “Ang Espiritu Santo Bilang Inyong Patnubay,” Liahona, Nob. 2015, 104).