2023
Paano Ako Inaakay ng Diyos na Gawin ang Kanyang Gawain?
Hulyo 2023


“Paano Ako Inaakay ng Diyos na Gawin ang Kanyang Gawain?,” Liahona, Hulyo 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mga Gawa 9

Paano Ako Inaakay ng Diyos na Gawin ang Kanyang Gawain?

si Saulo, na nabulag, habang nakaupo sa lupa

On the Road to Damascus [Sa Daan Patungong Damasco], Lifeway Collection / lisensyado ng Goodsalt.com

Kapag binasa natin ang kuwento tungkol sa pagbabalik-loob ni Saulo, nagkakainspirasyon tayo sa kanyang tugon sa Tagapagligtas: “[Panginoon, ano ang nais mong ipagawa sa akin?]” (Mga Gawa 9:6). Bilang mga disipulo ni Jesucristo, madalas din nating itanong iyon kapag hinahangad nating makilahok sa gawain ng Panginoon.

Ngunit ano ang nangyayari matapos tayong magtanong? Paano tayo tumatanggap ng patnubay para malaman ang kalooban ng Diyos para sa ating mga pagsisikap?

Handang Kumilos

Bilang sagot sa tanong ni Saulo kung ano ang dapat niyang gawin, agad tumugon ang Panginoon na nagtatagubilin na pumunta siya sa Damasco. Kung minsa’y inaasam nating bigyan tayo ng Panginoon ng gayon ding klaseng patnubay. Ngunit hindi natin kailangang maghintay sa paisa-isang hakbang na mga tagubilin bago tayo makilahok sa gawain ng Diyos.

Itinuro ni Elder Dieter F. Uchtdorf ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Kadalasan, ang sagot sa ating dalangin ay hindi dumarating habang nagdarasal tayo kundi habang naglilingkod tayo sa Panginoon at sa mga nasa paligid natin.” (“Paghihintay sa Daan Patungong Damasco,” Liahona, Mayo 2011, 76).

Isipin kung paano inakay ng Panginoon ang dalawang taong ito sa mga pagkakataong maglingkod dahil handa silang kumilos: