2023
Plovdiv, Bulgaria
Hulyo 2023


“Plovdiv, Bulgaria,” Liahona, Hulyo 2023.

Narito ang Simbahan

Plovdiv, Bulgaria

mapa ng mundo na may bilog sa paligid ng Bulgaria
tanawin ng lungsod ng Plovdiv

Matatagpuan malapit sa Maritsa River, ang Plovdiv ang pangalawang pinakamalaking lungsod sa Bulgaria at sentro ng kultura ng bansa. Ang mga unang meetinghouse ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw sa Bulgaria ay inilaan noong mga unang taon ng 2000s. Ngayon, ang Simbahan sa Bulgaria ay may:

  • 2,400 miyembro (humigit-kumulang)

  • 7 branch at 1 mission

  • 4 na family history center

Paghahanda para sa Kumperensya

Inihahanda ni Tsveteline Moneva ang kanyang mga anak na magkaroon ng mga espirituwal na karanasan sa oras ng pangkalahatang kumperensya. “Labis akong nagpapasalamat na marinig ang tinig ng Diyos sa pamamagitan ng mga pinuno ng Simbahan at sa kapayapaan at kagalakang hatid nila sa atin,” wika niya.

isang babaeng nagdarasal kasama ang kanyang anak

Iba pa tungkol sa Simbahan sa Bulgaria

placeholder altText

Ang meetinghouse na ito sa Sofia, Bulgaria, ay nagsisilbing sentrong lokasyon para sa mga miyembro doon.

placeholder altText

Nakikipagkamay si Elder Dale G. Renlund ng Korum ng Labindalawang Apostol sa isang miyembro sa isang pagbisita sa Bulgaria noong 2019.

placeholder altText

Nagtipon ang mga kaibigan at kapamilya para sa binyag ng isang bagong convert sa Bulgaria.