2023
Ano ang Ibig Sabihin ng Maging Kristiyano?
Hulyo 2023


“Ano ang Ibig Sabihin ng Maging Kristiyano?,” Liahona, Hulyo 2023.

Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin

Mga Gawa 11

Ano ang Ibig Sabihin ng Maging Kristiyano?

si Jesus na nagtuturo sa mga tao

Christ Teaching His Disciples [Si Cristo na Nagtuturo sa Kanyang mga Disipulo], 19th-Century English School, © Look and Learn / Bridgeman Images

Nalaman natin sa aklat ng Mga Gawa na ang mga disipulong sumunod kay Cristo sa sinaunang Simbahan ay “[tinawag na] mga Cristiano” (Mga Gawa 11:26). Gayundin, nagsusumikap ang mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw na maging mabubuting Kristiyano. Ngunit ano ang ibig sabihin ng maging Kristiyano?

Hindi ito isang simpleng pagpapahayag ng paniniwala. Ang pagiging Kristiyano ay nangangailangan ng higit pa sa katapatan sa pangalan lamang. Itinanong ni Elder Robert D. Hales (1932–2017) ng Korum ng Labindalawang Apostol: “Anong klaseng Kristiyano ba tayo? Sa madaling salita, kumusta na ang pagsisikap nating sundin si Cristo?”1

Mga Katangiang Katulad ng kay Cristo

Hinikayat tayo ni Elder Hales na suriin ang ating pag-unlad sa pagkakaroon ng mga sumusunod na mga katangian ni Cristo:2

  • Pagmamahal

  • Pananampalataya

  • Sakripisyo

  • Pagmamalasakit

  • Paglilingkod

  • Tiyaga

  • Kapayapaan

  • Kapatawaran

  • Pagbabalik-loob

  • Pagtitiis hanggang wakas