2011
Elder Ian S. Ardern
Mayo 2011


Elder Ian S. Ardern

Ng Pitumpu

Elder Ian S. Ardern

Tuwing may tawag sa telepono o katok sa pintuan, ang karaniwang unang namumutawi sa bibig ni Elder Ian Sidney Ardern ay “Ano ang maitutulong ko?”

Isinilang kina Harry at Gwladys McVicar Wiltshire sa Te Aroha, New Zealand, noong Pebrero 1954, sinabi ni Elder Ardern na kadalasan ay ang tila maliliit na paglilingkod ang gumagawa ng pinakamalaking kaibhan sa buhay ng nagbigay at ng tumanggap. “Hindi laging madaling maglingkod, ngunit lagi nitong pinagpapala ang inyong buhay,” sabi ni Elder Ardern.

Nagkakilala sina Elder at Sister Ardern habang nag-aaral sa Church College of New Zealand at nagpakasal sa Hamilton New Zealand Temple noong Enero 17, 1976. Ang apat nilang anak ay lumaki sa isang tahanang may mapagmahal na malasakit sa isa’t isa at mga prayoridad ang pangangailangang maunawaan at ipamuhay ang mga alituntunin ng ebanghelyo. “Pagpapalang makita ang mga prayoridad na ito sa tahanan ng aming mga anak na may-asawa,” sabi ni Elder Ardern.

Malaki ang inaasahan ng Panginoon sa Kanyang mga anak, at naglalaan Siya ng paraan para maisagawa ang mga inaasahang iyon. “Labis akong nagpapasalamat sa lahat ng nakatulong sa aming pamilya na sundin ang Panginoon,” sabi ni Elder Ardern.

Ang pagsunod sa mga turo ng mga propeta sa tahanan ay prayoridad na ng pamilya Ardern. Nakagawian na nilang pag-aralan ang mga banal na kasulatan araw-araw dahil tiniyak ng mga bata na naidaos ito para makapaghalinhinan sila sa paglalagay ng pulang sticker sa kalendaryo upang ipakita na nakabasa sila sa araw na iyon. “Sa maliliit at mga simpleng bagay nabubuo ang mabubuting gawi,” sabi ni Sister Ardern.

Bago siya tinawag sa Unang Korum ng Pitumpu, naglingkod si Elder Ardern bilang misyonero sa France at Belgium, stake Young Men president, high councilor, tagapayo sa bishop, bishop, tagapayo sa stake president, pangulo ng Fiji Suva Mission, at Area Seventy.

Si Elder Ardern ay tumanggap ng bachelor’s at master’s degrees in education sa University of Waikato sa New Zealand. Kabilang sa kanyang propesyon ang maraming katungkulan sa Church Educational System, kabilang na ang guro, director, seminary coordinator sa New Zealand, prinsipal ng Church College of New Zealand, at Pacific Area Director.