2011
Elder LeGrand R. Curtis Jr.
Mayo 2011


Elder LeGrand R. Curtis Jr.

Ng Pitumpu

Elder LeGrand R. Curtis Jr.

Alam ni Elder LeGrand Raine Curtis Jr. Na “hinihingi ng Panginoon ang puso at may pagkukusang isipan” (D at T 64:34).

“Gustung-gusto niyang maglingkod sa Simbahan, at ginagawa niya ito nang buong pagsisikap at kahandaan,” sabi ng kanyang asawang si Jane Cowan Curtis, na pinakasalan niya sa Salt Lake Temple noong Enero 4, 1974. “Paglilingkod ang kanyang pinakamalaking pangarap at pagnanais.”

Si Elder Curtis ay isinilang noong Agosto 1952, sa Ogden, Utah, USA, kina LeGrand R. at Patricia Glade Curtis. Ang kanyang ama kalaunan ay naging miyembro ng Pangalawang Korum ng Pitumpu (1990–95).

Bago siya tinawag sa Unang Korum ng Pitumpu, si Elder Curtis Jr. ay naglingkod sa Italy North Mission at bilang bishop, high councilor, stake president, pangulo ng Italy Padova Mission, at Area Seventy. Naglilingkod siya bilang miyembro ng Panlimang Korum ng Pitumpu sa Utah Salt Lake City Area nang tawagin siya sa Unang Korum.

Si Elder Curtis ay nagtapos sa Brigham Young University na may degree in economics at natamo ang kanyang juris doctorate sa University of Michigan. Nang tawagin, nagtatrabaho siya bilang abugado at partner sa isang law firm. Bukod pa sa pag-aaral at pagtatrabaho, nakapagpalaki ng limang anak si Elder Curtis at kanyang asawa.

Matapos maglingkod bilang Area Seventy mula 2004 hanggang 2011, sinabi ni Elder Curtis na pinasalamatan niya ang pagkakataong makatrabaho ang mga General Authority. “Pinagpala akong makatrabaho ang ilang pambihirang lider sa Simbahan,” wika niya. “Malaking pribilehiyo ang mamasdan sila at matuto mula sa kanila.”

Sabi ni Sister Curtis, laging handa ang mga kamay at puso ni Elder Curtis. “Ang ugali niya ay laging, ‘Gagawin ko,’” wika niya.

Nagtatapos ang Doktrina at mga Tipan 64:34 sa mga salitang ito: “Ang may pagkukusa at ang masunurin ay kakainin ang taba ng lupain ng Sion sa mga huling araw na ito.” Sabi nina Brother at Sister Curtis, naging pambihira ang mga pagpapala sa kanila at sa kanilang mga anak at apo dahil sa paglilingkod sa Panginoon.