2011
Elder Larry Y. Wilson
Mayo 2011


Elder Larry Y. Wilson

Ng Pitumpu

Elder Larry Y. Wilson

Ang pagbabalanse ng mga responsibilidad sa gawain, Simbahan, at pamilya ay naging hamon kay Elder Larry Young Wilson, ngunit tiniyak niya na alam ng mga kapamilya kung gaano kahalaga ang mga ito sa kanya.

“Ang karanasan na pinakamalaki ang epekto sa akin ay ang pagiging asawa at ama,” sabi ni Elder Wilson. “Bihira kong kaligtaan ang pagtatanghal ng isang bata sa palakasan, musikal, o iba pang kaganapan. Binabasahan ko sila ng bedtime stories at nagdarasal na kasama sila bago ko sila patulugin sa gabi. Napakahalaga na naroon ako.”

Alam na alam ni Elder Wilson ang bigat ng responsibilidad ng isang lider sa lahat ng aspeto ng buhay. Siya ay isinilang noong Disyembre 1949 sa Salt Lake City, Utah, USA, kina George at Ida Wilson at lumaki sa Pocatello, Idaho, USA. Tumanggap siya ng bachelor’s degree in English and American literature sa Harvard University, at ng master’s degree in business administration sa Stanford Graduate School of Business kalaunan.

Si Elder Wilson at nagtrabaho bilang consultant at executive sa industriya ng health care. Bagaman mabigat ang trabaho, tiniyak ni Elder Wilson na hinding-hindi maubos dito ang buong panahon niya.

“Kailangan mong lagyan ng hangganan ang trabaho mo,” wika niya. “Kung hindi, mawawalan ka ng panahon para sa iba. Sa praktikal na pananaw, ang oras para sa gawain, simbahan, at pamilya ay kailangang maghalinhinang ipagpaliban. Manalangin upang magabayan kayo at malaman ninyo kung alin ang uunahin sa anumang partikular na araw.”

Si Elder Wilson ay buong sigasig na naglingkod bilang misyonero sa Brazil Central Mission at bilang bishop, stake president, at Area Seventy bago tinawag sa Pangalawang Korum ng Pitumpu.

Naroon ang kanyang asawang si Lynda Mackey Wilson, na pinakasalan niya noong Hulyo 10, 1974, sa Logan Utah Temple, para tulungan si Elder Wilson na makita ang mahalagang balanseng iyan sa lahat ng kanyang paglilingkod. Nagpalaki ng apat na anak ang mga Wilson.

“Tuwing umaalis ako para sa mga pulong sa Simbahan, sinasabi niya, ‘Paalam, mahal. Maglingkod ka sa Panginoon,’” sabi ni Elder Wilson. “Itinuturo niya sa aming mga anak ang mas malalim na kahulugan ng aking paglilingkod. Hindi nagtatagal at sinasabi nilang, “Paalam, Daddy. Maglingkod kayo sa Panginoon!”