Larawan
A young woman from India.
“[Si Jesucristo] ang mamamagitan para sa lahat ng anak ng tao; at sila na maniniwala sa kanya ay maliligtas” (2 Nephi 2:9 ).
Sa talatang ito, ang salitang mamamagitan ay may malaking kahulugan. Ang ibig sabihin nito ay “kumilos bilang isang tagapamagitan para tulungan ang dalawang panig na malutas ang problema.” Sa ganitong sitwasyon, ang Tagapagligtas ang tagapamagitan na tumutulong sa lahat ng taong nawalay sa Ama sa Langit dahil sa kasalanan.
Ipinaalam sa akin ng talatang ito ang kahalagahan ng ating Tagapagligtas na si Jesucristo. Nagpapasalamat ako sa Kanyang Pagbabayad-Sala. Tanging sa pamamagitan Niya tayo maaaring muling mabuhay sa piling ng ating Ama sa Langit.
Mula kaliwa: Ang Nabuhay na Mag-uling Cristo, ni Wilson Ong, sa kagandahang-loob ng Church History Museum; paglalarawan ni Leslie Nilsson; larawan sa kagandahang-loob ni Yael B.; larawan at border mula sa iStockphoto/Thinkstock