2014
Pag-aasawa at Kadalisayan ng Puri
Hulyo 2014


Pag-aasawa at Kadalisayan ng Puri

“[Kamakailan,] ang Unang Panguluhan at ang Korum ng Labindalawa ay naglabas ng isang liham sa mga lider ng Simbahan sa buong mundo. Sabi sa bahagi ng liham: ‘Ang mga pagbabago sa batas ng tao ay hindi binabago, at hindi maaaring baguhin ang batas ng moralidad na itinatag ng Diyos. Inaasahan ng Diyos na ating aayunan at susundin ang Kanyang mga utos magkakaiba man ang opinyon o kalakaran sa lipunan. Ang Kanyang batas sa kadalisayan ng puri ay malinaw: ang seksuwal na relasyon ay nararapat lang mamagitan sa lalaki at babae na ikinasal bilang mag-asawa ayon sa batas.’

“Bagama’t ang daigdig ay lalo pang lumalayo sa batas ng Panginoon sa kadalisayan ng puri, tayo ay hindi. …

“Bagama’t maraming pamahalaan at mabubuting tao ang nagbago ng kanilang pananaw sa kasal, ang Panginoon ay hindi. Sa simula pa lamang, pinasimulan na ng Diyos ang kasal sa pagitan ng isang lalaki at isang babae—kina Adan at Eva. Itinakda Niya na ang mga layunin ng pag-aasawa ay hindi lang para magtuon sa pansariling kasiyahan ng mag-asawa, kundi ang mas mahalaga, ay magbigay ng angkop na kapaligiran para sa pagsilang, pagpapalaki, at pag-aaruga ng mga anak. Ang mga pamilya ang yaman ng langit.”

Elder Neil L. Andersen ng Korum ng Labindalawang Apostol, “Mga Espirituwal na Buhawi,” Liahona, Mayo 2014, 19.