2014
Mga Ideya para sa Family Home Evening
Hulyo 2014


Mga Ideya para sa Family Home Evening

Ang isyung ito ay naglalaman ng mga artikulo at aktibidad na magagamit sa family home evening. Narito ang dalawang ideya.

“Pagiging Ganap kay Cristo,” pahina 42: Gamit ang mga turo ni Elder Gong tungkol sa pagiging perpeksyonista, gumawa ng quiz na sasagutan ng tama-o-mali para sa inyong pamilya para matulungan silang matanto kung may tendensiya silang maging perpeksyonista. Maaari ninyong gamitin ang mga pahayag na gaya ng “Maaari akong maging masaya kahit nagkakamali ako” o “Nahihirapan akong patawarin ang iba” sa inyong quiz. Basahin nang sabay-sabay ang itinuturo ni Elder Gong tungkol sa pag-asa sa Tagapagligtas. Magagamit din ninyo ang mga pahina 166–67 sa Mangaral ng Aking Ebanghelyo: Gabay sa Paglilingkod ng Misyonero para ituro kung paano magtakda ng mga angkop na mithiin at madaig ang pagiging perpeksyonista.

“Ang Katawan Ko ay Isang Templo,” pahina 68: Gamitin ang mga tanong sa artikulong ito upang turuan ang inyong mga anak kung paano igalang at mahalin ang kanilang katawan. Maaari kayong maghanda ng masustansyang meryenda, tulad ng prutas o gulay, para turuan ang inyong mga anak tungkol sa mabubuting gawi sa pagkain. Maaari kayong maglaro ng isport o gumawa ng aktibidad sa labas ng bahay para tulungan ang inyong mga anak na pahalagahan ang mabuting kalusugan at kasiglahan. Hikayatin ang inyong mga anak na tulungan ang isang bata o tinedyer na may kapansanan sa kanilang ward, branch, o paaralan. Maaari din ninyong kantahin ang “Palaging Sasamahan Ka” (Aklat ng mga Awit Pambata, 78).

Paglalarawan ni Cody Bell

Sa Inyong Wika

Ang Liahona at iba pang mga materyal ng Simbahan ay makukuha sa maraming wika sa languages.lds.org.