2014
Handang Maglingkod
Hulyo 2014


Handang Maglingkod

Elder Eduardo Gavarret

“Matuto sa iyong kabataan na sumunod sa mga kautusan ng Diyos” (Alma 37:35).

Lumaki ako sa lungsod ng Minas, Uruguay. Noong anim na taong gulang ako, ang aking ina at mga ate ko ay nabinyagan sa Simbahan. Ang aking ama ay hindi kailanman sumapi sa Simbahan, ngunit lagi siyang masaya na nagsisimba kami. Sinunod pa niya ang Word of Wisdom at nagbayad ng ikapu.

Napakaliit ng branch namin, at wala kaming simbahan. Nagtitipon kami noon sa isang paupahang bahay. May maliit na swimming pool sa labas ang bahay na ginagamit namin noon sa pagbibinyag.

Nang papalapit na ang ikawalong kaarawan ko, nasabik akong mabinyagan. Pero sa araw ng binyag, umuulan at napakalamig. Sinabi ni Inay na siguro hindi ako dapat magpabinyag sa araw na iyon dahil sa malamig na panahon. Pero iyon ang kaarawan ko, at gusto kong magpabinyag sa araw na iyon.

Naaalala ko pa ang pagsusuot ko ng puting damit at paglusong sa pool para magpabinyag. Alam ko na malamig ang tubig, pero hindi ako gininaw. Alam ko na tama ang ginawa ko, at maganda ang pakiramdam ko.

Di nagtagal nagtayo ng chapel para sa aming branch. Noong panahong iyon ang mga miyembro ng Simbahan ay maaaring tumulong sa pagtatayo ng meetinghouse. Ang trabaho ko ay damputin ang mga pako at turnilyo na nalaglag sa lupa para magamit muli ang mga ito. Simpleng trabaho lang iyon, ngunit napakahalaga sa akin. Itinuro nito sa akin kung paano maglingkod, at nakatulong ito sa paghahanda ko sa paglilingkod sa Simbahan sa hinaharap. Tandaan na kahit bata pa kayo, ang mga bagay na ginagawa ninyo ngayon ay mahalaga.