2014
Nagbigay ng Pagdamay at Tulong ang mga Lider sa Pilipinas
Hulyo 2014


DUMAMAY AT TUMULONG ang mga Lider sa Pilipinas

Noong Pebrero, 100 araw matapos salantain ng Bagyong Haiyan [Yolanda] ang Tacloban, sina Sister Linda K. Burton, Relief Society general president, at Sister Carol F. McConkie, unang tagapayo sa Young Women general presidency, ay nagpunta sa nasalantang lugar para tumulong at dumamay.

“Alam ko na kailangan kong yakapin ang kababaihan,” sabi ni Sister Burton. “Alam ko na kaunti lang ang magagawa ko, pero alam ko na kailangan kong pumunta sa Tacloban at yakapin ang lahat ng mayayakap ko.”

Winasak ng Bagyong Haiyan [Yolanda] ang mahigit 1.1 milyong kabahayan sa gitnang bahagi ng Pilipinas, at mahigit 6,100 katao ang nasawi, kabilang na ang 42 Banal sa mga Huling Araw. Paglipas ng bagyo, nagpadala ng mga suplay ang Simbahan at nakipagtulungan sa lokal at pandaigdigang mga organisasyon sa pamimigay ng pagkain, kanlungan, pagpapadalisay ng tubig, pag-aalis ng kalat, at pagbibigay ng ikabubuhay.

Iniulat kapwa nina Sister Burton at Sister McConkie na nakitaan nila ng pag-asa at magandang pananaw ang mga Banal, na muling itinatayo ang kanilang mga bahay at pinapalakas ang kanilang mga patotoo sa pamamagitan ng paglilingkod sa isa’t isa.