Mga Kabataan
Pagkilala sa Aking Lola
Ang awtor ay naninirahan ngayon sa Virginia, USA.
Para sa isa sa mga proyekto ko sa Young Women, nagboluntaryo akong tulungan ang aking lola na hanapin ang kanyang mga ninuno sa pamamagitan ng pag-scroll sa mga microfilm sa family history center sa Mesa, Arizona, USA. Habang magkatabi kaming nakaupo at naghahanap sa aming pamilya, naisip ko: “Talaga bang kilalang-kilala ko ang lola ko na katabi ko ngayon?”
Marami kaming nakitang kamag-anak, inihanda namin ang impormasyon tungkol sa kanila, at nagpunta kami sa Mesa Arizona Temple para isagawa ang kanilang binyag at kumpirmasyon. Hindi nagtagal, binigyan ako ng lola ko ng isang natipong koleksyon ng kasaysayan ng kanyang pamilya.
Dahil may rayuma na siya, napakasakit na para sa lola ko ang mag-type. Nasisiyahan akong matulungan siya sa computer. Magkasama naming isinusulat ang mga kuwento mula sa kanyang buhay para sa espirituwal na kapakanan ng aming pamilya. Natutuwa akong maging bahagi ng kanyang buhay at malaman pa ang tungkol sa kasaysayan ng Simbahan habang nagtutulungan kami sa mga proyektong ito.