Mga Bata
Pag-ibig sa Tahanan
May ngiti’ng kalangitan
Kung may pag-ibig;
Tao’y nagmamahalan
Kung may pag-ibig.
(“Pag-ibig sa Tahanan,” Mga Himno, blg.183)
Nais ng Ama sa Langit na mahalin natin ang ating pamilya para maging maligaya tayo. Kapag lalo nating pinaglilingkuran ang ating pamilya, lalo nating mamahalin ang Ama sa Langit at ang ating mga kapamilya.
Magdrowing ng mga pusong kagaya nito sa isang papel at gupitin ang mga ito. Sulatan ito ng masasaya at maiikling pahayag o drowingan ng mga larawan at palihim itong ibigay sa mga miyembro ng inyong pamilya. Masdan kung gaano sila pasasayahin nito!