2019
Mahal ni Jesus ang Ating mga Anak
Oktubre 2019


Mahal ni Jesus ang Ating mga Anak

Marami akong ginugugol na oras sa pag-iisip tungkol sa mga bata. Mahal ko ang mga bata sa grupo ng aking pamilya at mga kaibigan. Bukod pa riyan, kasama sa aking trabaho sa mga magasin ng Simbahan ang paggawa at pag-edit ng mga pahina para sa mga bata sa buong mundo. Ngunit ilang taon na ang nakalilipas, napagtanto ko na hindi ko pa pala napag-aaralan kung ano ang itinuturo ng mga banal na kasulatan tungkol sa mga bata. Kaya nagpasiya ako na basahin ang Bagong Tipan at ang Aklat ni Mormon at bigyan ng karagdagang pansin kung ano ang matututuhan ko tungkol sa espesyal na grupong ito.

Isa itong karanasang nagpapabago ng buhay! Sa maraming katotohanang natuklasan ko, ang pinakamahalaga ay ang mas malalim na pag-unawa tungkol sa kung gaano ang malasakit ni Jesus sa mga bata. Naglingkod siya sa mga bata nang paulit-ulit bilang isang partikular na grupong namumukod-tangi sa iba. Paano natin matutularan ang Kanyang halimbawa?

Ang artikulong isinulat ko sa pahina 18 ay nagbabahagi ng ilang aral na natutuhan ko mula sa pag-aaral na iyon ng mga banal na kasulatan, pati na ng mga ideya at kaalaman mula sa ilang eksperto sa larangan ng pag-iwas sa pang-aabuso.

Ang mga bata ay dapat pakamahalin. Nawa’y magtulungan tayo para sila ay maprotektahan at mabigyan ng lakas, at pakitunguhan natin sila kung paano sila pakikitunguhan ni Jesus!

Nagmamahal,

Marissa Widdison