Ano ang pananaw ng Simbahan tungkol sa kapaligiran?
Isang mahalagang aspeto sa pag-unawa ng ating pananaw tungkol sa kapaligiran ang pagiging katiwala. Hindi ito nangangahulugan na pag-aari ng mga tao ang mundo at maaari nilang gawin ang anumang gusto nilang gawin dito kundi sa halip ay nangangahulugan ito na may pananagutan tayo sa pamamaraan kung paano natin ginagamit ang mga yaman nito (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 104:13–15). Bagamat “may sapat at matitira” (Doktrina at mga Tipan 104:17), nais ng Diyos na maging matalino tayo sa paggamit ng mga yaman ng mundo (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 59:20).
Nilikha ng Diyos ang mundo at ipinahayag Niya na ang Kanyang nilikha ay “napakabuti” (tingnan sa Genesis 1:1, 31). Ang mundong ito ay nilikha upang maging tirahan ng mga anak ng Diyos bilang bahagi ng Kanyang plano ng kaligtasan. Ang mundo mismo ay pababanalin at makakatanggap ng selestiyal na kaluwalhatian (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 88:18–19).
Ginawa ng Diyos ang mundo na hindi lang kapaki-pakinabang kundi maganda rin. Ang mga bagay sa mundo “ay ginawa para sa kapakinabangan at gamit ng tao, kapwa upang makalugod sa mata at upang pasiglahin ang puso” at “pasiglahin ang kaluluwa” (Doktrina at mga Tipan 59:18–19).
Dapat nating igalang ang Diyos sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa Kanyang mga nilikha, pagpapasalamat para sa mga ito, at pagsisikap na panatilihing maganda ang mga ito. Dapat nating pangalagaan ang mga yaman ng mundo, protektahan ang kalikasan, at iwasan ang pagdagdag sa polusyon at pagkakalat ng mga basura.