2019
Binisita ni Elder Stevenson ang Chile
Oktubre 2019


Mga Apostol sa Iba’t Ibang Panig ng Mundo

Binisita ni Elder Stevenson ang Chile

Ang mga Apostol ay naglalakbay sa buong mundo upang maglingkod sa mga tao at magturo tungkol kay Jesucristo.

Elder Stevenson Visits Chile

Naglakbay sina Elder Gary E. Stevenson at Sister Lesa Stevenson kasama sina Pangulong Russell M. Nelson at Sister Wendy Nelson sa Chile para sa isang napakahalagang kaganapan. Isang bagong templo ang inilaan sa lungsod ng Concepción!

Ang magandang bagong templo ang pangalawang itatayo sa Chile at ika-18 na templo sa South America.

Maraming lindol na nangyayari sa Chile. May espesyal na pundasyon ang Concepción Chile Temple para hindi ito masira kung sakaling lumindol.

Tumulong sina Laura at Alicia O. na ilagay ang huling bato sa labas ng templo. Tinatawag itong batong panulok ng templo. Pagkatapos ay handa nang mailaan ang templo.

Nagdatingan ang mga anak kasama ang kanilang mga magulang para marinig ang espesyal na panalangin ni Pangulong Nelson para ilaan ang templo.

Ngayon, nakakapasok na ang karapat-dapat na mga miyembro ng Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw para mabuklod sa kanilang pamilya at maglingkod sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga binyag sa templo!

Ganito ang sinabi ni Elder Stevenson tungkol sa paglalaan: