Ipakita at Ikuwento
Ang pangkalahatang kumperensya ay gaganapin sa buwang ito! Narito ang kinagigiliwan ng ilang bata tungkol sa kumperensya.
Sina Abel C. at Tina S., edad 10 at 9, ng Bong County, Liberia, ay magkapatid. Kinagigiliwan ni Abel ang kumperensya “dahil sa panahon na iyon natin sinasang-ayunan ang ating propeta bilang Pangulo ng Simbahan bawat taon.” Gusto naman ni Tina “kapag nagsasalita ang propeta tungkol sa mga templo.”
Si Anna B., edad 10, ng Maharashtra, India, ay nanood ng kumperensya kasama ng kanyang ina. Dinadala niya ang kanyang journal at lapis sa bawat kumperensya para isulat ang mga patotoo at mensahe na naririnig niya.
Pinupuno nina David at Juliana M., edad 4 at 6, ng South Holland, Netherlands, ng miryenda ang 15 mangkok at naglalagay sila ng larawan ng Apostol o miyembro ng Unang Panguluhan sa bawat mangkok. Kapag nagsalita ang isa sa mga Apostol o miyembro ng Unang Panguluhan, kinakain nila ang miryenda sa loob ng mangkok na iyon!
Gusto kong makinig sa propeta dahil nangungusap ang Panginoon sa pamamagitan niya.
Andrés C., edad 12, Valle del Cauca, Colombia
Gusto ko talaga ang panonood ng kumperensya dahil gusto kong matuto mula sa mga propeta, at gusto kong gugulin ang oras na iyon kasama ang aking pamilya.
David J., edad 9, Sololá, Guatemala
Gusto kong pakinggan ang mga kuwento at ang pagkanta ng koro. Gusto ko ring pakinggan ang mga parabula na ibinabahagi nila.
Yuri H., edad 8, Taoyuan, Taiwan