2019
Mahal Naming mga Magulang
Oktubre 2019


Mahal Naming mga Magulang,

Dear Parents

Isa sa mga pangunahing mensahe ng Bagong Tipan ay makahanap tayo ng kapayapaan at kagalakan kay Cristo, anuman ang kalagayan natin sa buhay. Ang magasin sa buwang ito ay nagbabahagi ng gayon ding patotoo.

  • Sa pahina K4, napanatag ang loob ng isang batang lalaki nang managinip siya ng masama.

  • Sa pahina K8, isang batang babae na may Down syndrome ang napaalalahanan na mahal siya ng Ama sa Langit.

  • Sa pahina K15, itinuro sa isang poster na lahat ng bagay ay posible sa tulong ni Jesucristo.

  • Sa pahina K20–23, nagpakita si Pablo ng halimbawa ng pananampalataya.

Kapag binasa ninyo ang magasin na ito nang magkasama, hanapin ang mga paraan kung paano tinulungan ni Jesus at ng Ama sa Langit ang mga tao sa bawat kuwento. Maaari ninyong salungguhitan ang mga salita na naglalarawan sa mga hamon o pagsubok na naranasan nila. Pagkatapos ay bilugan ang mga salita na naglalarawan kung anong tulong ang natanggap nila. Bilang pamilya, pag-usapan kung paano inaalis kung minsan ang mga pagsubok, at kung minsan naman ay pinalalakas tayo para makayanan ang mga pagsubok. Alinman sa paraang ito, mahal tayo ni Jesus at ng Ama sa Langit at nariyan Sila para sa atin!

Umaasa kami na magiging masaya ang buwan ninyo,

Ang Kaibigan