Mga Tanong at mga Sagot
“Paano ako makakahanap ng mga kaibigan na may magagandang pamantayan?”
Mahalaga ang Kabaitan
Magpakita ng pagmamahal sa kanila at maging mabait. Ipakita na may malasakit ka sa kanila at sa kanilang kaligayahan. Kung hindi nila ipinapakita na nagmamalasakit sila para sa iyo at hindi sila mabait sa iyo, siguro hindi mo na gugustuhing ituloy ang pakikipagkaibigang iyon.
Madi B., edad15, Arizona, USA
Isabuhay ang Iyong mga Pamantayan
Maging magandang halimbawa ng pagsasabuhay ng iyong mga pamantayan. At kung may mga kaibigan ka na iba ang mga pamantayan, ipakita sa kanila na sila ay espesyal sa paningin ng Diyos. Minahal ni Jesus ang lahat ng tao at tinuruan Niya sila na sundin ang Kanyang mga pamamaraan.
Bernard B., edad 19, Palawan, Philippines
Ibahagi ang Ebanghelyo
Makakahanap ka ng mga bagong kaibigan na may magagandang pamantayan sa pamamagitan ng pagtuturo kasama ng mga missionary. May mga kakilala sila na mga kabataan na nangangailangan ng kaibigan sa Simbahan.
Elder Quintanilla, edad 20, Barbados Bridgetown Mission
Ipagdasal ang Iyong mga Kaibigan
Palagi akong nagdarasal para malaman ko kung ang aking mga kaibigan ba ang mga tamang tao na makakatulong sa akin na pagbutihin ang aking sarili at palakasin ang aking patotoo kay Jesucristo.
Imanol M., edad 18, Chihuahua, Mexico
Tutulungan Ka ng Diyos
Natuklasan ko na kung sisikapin kong hanapin ang mga tao na nagpapakita ng liwanag ni Cristo, may kaibahang magagawa ito. Alam ng Ama sa Langit ang iyong mga ninanais at kung gagawin mo ang iyong bahagi, sasagutin Niya ang mga panalanging iyon.
Olivia T., edad 18, Utah, USA