Mula sa Unang Panguluhan
Pagmamahal sa Iba Tulad ng Pagmamahal ni Jesus sa Atin
Hango sa “Pagmamahal at Pakikisalamuha sa mga Taong Naiiba,” Liahona, Nob. 2014, 25–28.
Binigyan ni Jesus ng mahalagang utos ang Kanyang mga disipulo: “Kayo’y mangagibigan sa isa’t isa, na gaya ng pagibig ko sa inyo” (Juan 15:12). Bilang mga alagad ni Cristo, dapat tayong mamuhay nang payapa kasama ang ibang tao. Kabilang diyan ang mga taong hindi naniniwala sa mga bagay na ginagawa natin.
Narito ang ilang paraan na maaari nating mahalin ang iba tulad ng pagmamahal ng Tagapagligtas sa atin:
-
Maging mabait sa mga taong naiiba.
-
Igalang ang kanilang mga paniniwala.
-
Huwag takutin o insultuhin ang sinuman kailanman.
-
Maging mabuting tagapakinig.
-
Maging magalang. Huwag makipagtalo nang pagalit.
-
Manindigan sa totoo.
-
Sabihin sa iba ang tungkol sa ebanghelyo sa mapagpakumbabang paraan. “[Sabihin] ang katotohanan na may pagibig” (Mga Taga Efeso 4:15).
Marahil ang utos ng ating Tagapagligtas na mahalin ang isa’t isa tulad ng pagmamahal Niya sa atin ang pinakamalaking hamon sa atin. Dalangin ko na mapagsikapan nating magpakita ng pagmamahal sa lahat ng ginagawa natin.