2019
Maligayang pagbati mula sa Democratic Republic of the Congo!
Oktubre 2019


Hello mula sa Democratic Republic of the Congo!

Hello from the Democratic Republic of the Congo

Hi, kami sina Margo at Paolo!

Binibisita namin ang Democratic Republic of the Congo, o D. R. Congo.

Ang D. R. Congo ay nasa gitnang Aprika. Humigit-kumulang 80 milyong tao ang nakatira roon.

Ang malaking bahagi ng D. R. Congo ay natatakpan ng kagubatan. Nagsisilbi itong tahanan ng maraming iba’t ibang uri ng nakakawiling mga hayop, tulad ng mga elepante, gorilya, at rhino. Ang hayop na ito ay tinatawag na okapi.

Kilala ang D. R. Congo dahil sa magaganda nitong tradisyunal na sining, gaya ng mga estatwang kahoy, hinabing basket, at maskara.

Ang mga missionary mula sa ating simbahan ay nagsimulang magturo sa mga tao sa D. R. Congo noong 1986. Ngayon, halos 60,000 katao doon ang kabilang sa Ang Simbahan ni Jesucristo ng mga Banal sa mga Huling Araw.

Sa D. R. Congo, karamihan sa mga tao ay nagsasalita ng French sa simbahan. Iyon ang opisyal na wika ng bansa. Pero may halos 250 pang ibang mga wika na sinasalita sa D. R. Congo!

Ngayong taon, nagkaroon ang D. R. Congo ng una nitong templo! Tuwang-tuwa ang mga miyembro ng Simbahan doon na may templo na sa kanilang bansa.

Salamat sa paglalakbay sa D. R. Congo kasama namin. Hanggang sa muli!