Welcome sa Isyung Ito
Mga Pagpapala ng Gawain sa Templo at Family History
Marami na akong naranasang pagpapala sa buhay ko sa pamamagitan ng pakikibahagi sa gawain sa templo at family history, at nasaksihan ko na rin sa buhay ng iba na kailanman ay hindi pa huli ang lahat para matanggap ang mga pagpapalang ito para sa nabubuhay at namatay nang mga kapamilya.
Sa pangkalahatang kumperensya noong Abril 2018, sinabi ni Elder Dale G. Renlund: “Kapag iniutos sa atin ng Diyos na gawin ang isang bagay, madalas ay marami Siyang layunin sa paggawa nito. Ang family history at gawain sa templo ay hindi lamang para sa mga patay [kundi] nagpapala rin sa mga buhay.” Pagkatapos ay bumanggit si Elder Renlund ng maraming pagpapala, kabilang na ang mga pagpapalang mapagaling, na maaaring dumating sa ating pamilya kapag nakikibahagi tayo sa gawain sa templo at family history (tingnan sa “Family History at Gawain sa Templo: Pagbubuklod at Pagpapagaling,” Liahona, Mayo 2018, 46–47).
Sa isyung ito, ibinahagi namin ng ilang miyembro ng Simbahan kung paano kami napagpala ng Ama sa Langit sa pamamagitan ng gawain sa templo (tingnan sa mga pahina 12, 14, 16, 30, at 46). Sinasagot namin ang iba’t ibang mga tanong, tulad ng “Paano ako maghahandang pumunta sa templo sa unang pagkakataon?” “Paano ko kakausapin ang mga kaibigan ko tungkol sa templo?” at sa aking artikulong, “Paano natin pinananatiling malapit ang templo sa atin kapag malayo sa atin ang kinaroroonan nito?”
Maaaring maranasan nating lahat ang mga pagpapalang mapagaling sa sarili nating buhay, anuman ang ating mga hamon, habang nagsisikap tayo saanman posible na makibahagi sa gawain sa templo at family history. Sa pamamagitan ng ating indibiduwal na mga pagsisikap, gaano man kaliit ang tingin natin sa mga ito, makakatulong tayong lahat sa pagsusulong ng gawain ng Panginoon sa pagtubos sa ating mga patay at pagpapatatag sa ating pamilya.
Tapat na sumasainyo,
Lisa Prebble
Devonport Australia Stake