Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Bakit Nagpakita sina Moises, Elias, at Elijah sa Kirtland Temple?
“Sa paghahanda natin sa pagharap sa Diyos, malalaman natin ang mga itinalaga [sa atin] ng Diyos na tungkulin kung muli nating pag-iisipan ang mga sagradong susing ipinanumbalik sa Kirtland Temple.”1
—Elder Quentin L. Cook ng Korum ng Labindalawang Apostol
Ano ang mga Susi ng Priesthood?
Ang mga susi ng Priesthood ay ang awtoridad na ibinigay ng Diyos sa mga priesthood leader upang pamahalaan at pamunuan ang paggamit ng Kanyang priesthood sa mundo.2
Itinuro ni Pangulong Dallin H. Oaks, Unang Tagapayo sa Unang Panguluhan, “Lahat ng susi ng priesthood ay hawak ng Panginoong Jesucristo, na Siyang may-ari ng priesthood. Siya ang nagpapasiya kung anong mga susi ang itatalaga sa mga tao sa mundo at kung paano gagamitin ang mga susing iyon.”3 Ang Pangulo ng Simbahan ay may awtoridad mula sa Panginoon na gamitin ang lahat ng susi ng priesthood na kinakailangan para patakbuhin ang Simbahan (tingnan sa Doktrina at mga Tipan 132:7).
Mga Susi at Awtoridad ng Priesthood
Noong Abril 3, 1836, isinugo ng Panginoon ang mga mayhawak ng priesthood sa Lumang Tipan na sina Moises, Elias, at Elijah kina Joseph Smith at Oliver Cowdery upang ipagkatiwala sa kanila ang mga sumusunod:
Moises
-
Pinalaya ang mga Israelita mula sa pagkaalipin sa Egipto
-
Ang mga susi ng pagtitipon ng Israel
-
“[A]ng pagtitipon sa Israel mula sa apat na sulok ng mundo” (Doktrina at mga Tipan 110:11)
-
“Kapag pinag-uusapan natin ang pagtitipon, ang sinasabi natin ay ang katotohanang ito: bawat isa sa mga anak ng Ama sa Langit, sa parehong panig ng tabing, ay dapat marinig ang ipinanumbalik na ebanghelyo ni Jesucristo.”4 —Pangulong Russell M. Nelson
Elias
-
“Maliwanag na [nabuhay] sa panahon ni Abraham”5
-
Ang dispensasyon ng ebanghelyo ni Abraham
-
“Sa pamamagitan namin at ng aming binhi lahat ng susunod na salinlahi sa amin ay pagpapalain” (Doktrina at mga Tipan 110:12)
-
“Sa pagpapanibagong ito [ng tipan ni Abraham], natanggap natin, tulad nila noong unang panahon, ang banal na priesthood at ang walang-hanggang ebanghelyo. May karapatan tayong tanggapin ang kabuuan ng ebanghelyo, tamasahin ang mga pagpapala ng priesthood, at maging marapat sa pinakamalaking pagpapala ng Diyos—ang buhay na walang hanggan.”6 —Pangulong Russell M. Nelson
Elijah
-
Naging propeta sa Hilagang Kaharian ng Israel, mga 900 BC
-
Ang mga susi ng kapangyarihang magbuklod
-
“Ibaling ang mga puso ng mga ama sa mga anak, at ang mga anak sa kanilang mga ama” (Doktrina at mga Tipan 110:15)
-
“Sa pamamagitan ng mga susi ng pagbubuklod na ipinanumbalik ng propeta ng Lumang Tipan na si Elijah ay naisasagawa ang mga ordenansa sa mga banal na templo. Ang mga ordenansang isinasagawa sa mga templong ito ang daan para ang mga tao at pamilya ay makabalik sa piling ng ating mga magulang sa langit.”7 —Elder Gary E. Stevenson ng Korum ng Labindalawang Apostol