Pumarito Ka, Sumunod Ka sa Akin
Ano ang ibig sabihin ng magkaroon ng integridad?
Sa Doktrina at mga Tipan 124:15, sinabi ng Panginoon na mahal Niya si Hyrum Smith “dahil sa katapatan ng kanyang puso.” Isipin kung paano kayo makakapagpakita ng integridad sa mga aspetong ito ng inyong buhay:
Integridad sa Propesyon
Kabilang dito ang paggawa nang abot-kaya ninyo sa inyong trabaho o gawain sa paaralan at hindi pag-angkin ng karangalan para sa nagawa ng iba.
Itinanong ni Pangulong Russell M. Nelson: “Kung inempleyo kayo para gawin ang isang trabaho, lubos ba kayong tapat sa nag-empleyo sa inyo? O hinahayaan ninyo na hindi kayo maging tapat?”1
Integridad sa Pakikipagkapwa-tao
Kabilang dito ang panagutan ang inyong mga pagkakamali at gawin ang ipinangako ninyo sa iba na gagawin ninyo.
“Pinangangalagaan ng integridad ang pagmamahalan sa pamilya, at pinayayaman at pinasisigla ng pagmamahalan ang buhay-pamilya—ngayon at magpakailanman.”2
Tinutupad ba ninyo ang inyong mga pangako sa iba?
Espirituwal na Integridad
Kabilang dito ang pananatiling tapat sa inyong nakaraang mga espirituwal na karanasan at hindi pagkakaila sa mga ito.
“Ang paghahanap natin ng liwanag ay titindi sa [pamamagitan ng] kahandaan nating kilalanin ito kapag nagliwanag ito sa ating buhay.”3
Ano ang naging mga espirituwal na karanasan ninyo na hindi ninyo maikakaila?
Karapat-dapat Kayo sa Integridad!
Hinihikayat tayo ni Pangulong Nelson: “Ang inyong mahalagang pagkatao ay karapat-dapat sa inyong mahalagang integridad! Pangalagaan ito dahil napakahalagang gantimpala nito.”4